Sa isang linggo na pananatili namin dito sa Pilipinas, wala na kaming ginawa kundi ipasyal si, Kiel sa iba't ibang lugar lalo na sa beach. Medyo nahihirapan din siya mag adjust sa klima dito sa pinas. Madalas itong mag reklamo na umuwi na ng Paris dahil namimiss na niya ang mommy at daddy ni kuya Lander. Ngayong araw pinatawag ako ng manager kong si Isabelle, hindi kasi ito sumabay sa akin ng umuwi kami dito at kahapon lang ito dumating. "Manang aalis muna ako, paki bantayan na lang po si, Michael babalik din naman po agad ako." Bilin ko sa yaya ng anak ko. Alanganin naman siyang ngumiti sa akin. "Bakit po manang may problema po ba?" Tanong ko sa kanya. parang hindi kasi ito mapakali ng sabihin kong aalis ako saglit. "Wala naman po ma'am, kaya lang po ano.." napakamot muna ito ng ulo.

