Chapter 61

1125 Words

Naging successful ang operasyon ni Kiel, at na ilipat na ito sa sa kanyang private room. Hinintay na lang din namin na magising siya para masabi na stable na talaga ang kanyang kalagayan. "Mich, kamusta si Kiel?" Napatingin ako sa pintuan ng pumasok doon si Austin. Halatang nanghihina pa rin ito. "Ano ang ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nagpapahinga ka ngayon dahil nanghihina kapa." Nag aalala na lumapit ako sa kanya at inalalayan siyang umupo sa sofa. "Gusto ko lang makita si Kiel, Mich." Aniya na hinawakan ang kamay ko. "A-austin.. " anas ko sa kanya. "Ako ba Mich? Ako ba ang daddy niya? Ako ba ang totoong ama niya?" sunod sunod na tanong niya sa akin. "Austin.. ayaw ko muna pag usapan yan ngayon. Give me time, at sasabihin ko ang lahat sayo." Pag iwas ko sa tanong niya sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD