Mula ng mawala si Kiel sa BPC ay hindi na pumayag si Lander na dalhin ko ulit si Kiel sa kumpanya ni Austin. Okay lang naman daw na nakikita ni Austin si Kiel, pero natatakot daw kasi siya na baka may mangyari na masama sa bata. Naiintindihan ko rin naman ang pinupunto niya. Paano kung hindi si Austin ang naka kita sa kay Kiel at lumabas pala siya ng kumpanya. Masyado pang bata si Michael at hindi niya alam kung sino ang dapat niyang samahan at pagkatiwalaan. "Kuya aalis na ako." Paalam ko kay kuya Lander. Tulog pa si Kiel kaya hindi ko na ito ginising pa. Ngayon kasi ang photoshoot namin sa Subic, kaya maaga ang alis namin. "Okay, mag ingat ka. Mag ingat ka sa kanya." Nakangising turan niya sa akin, kaya inikotan ko siya ng mata. "Kuya, wala na siyang dating sa akin. At kung meron man

