"Kape mo sir." May pang asar na saad ko at nilapag ko ang tinimpla kong kape sa harap ni Lander. "Ang lalim naman ata ng iniisip mo? Iniisip mo ba ang nangyari kanina? " Tanong ko sa kanya at umupo sa harapan niya. "Wala, salamat dito sa kape." Aniya. "Salamat din pala kanina ha, dahil niligtas mo ako kanina. Kung hindi siguro kita kasama baka nasira ko na ang mukha ng Belinda yun. Banas pa naman ako sa pagmumukha nun. " ani ko at binuksan ng remote ang tv. Wala akong nakuha na sagot mula kay Lander. Kaya tiningnan ko ito, nakatulala pa rin ito at halata na malalim ang iniisip habang naka tingin sa kape. "Hoy, okay ka lang ba? Wag mong sabihin na iniisip mo ang biro mo kanina at iniisip mo na pwede naman pala tayo." biro ko dito. Paano ba naman ang walang hiyang lalaking to tinawag ak

