"Oh tama na ang kadramahan. Ayusin mo na ang sarili mo alam mo naman ayaw na ayaw ni Nanay na nakikita tayo ganito. Baka malintikan tayo, lalo kana. " "Oo Kuya. Ayoko na mangyari ang nangyari sa akin noon. Masakit eh. Hahahaha" "Dapat lang. Ohsia ayan na may nagdoorbell na. Siguradong si Nanay na yun." "Syempre sino pa ba. Loko loko" Pumunta na ako sa pinto para buksan iyon at bumungad sa akin ang isang matandang babae. "Oh Nay mukhang natagalan ka yata?" "Nandyan na ba yung kambal mo?" "Oo nandyan na. Tara na gutom na ako" At pumasok na kami sa loib at dumeretso sa kusina. At nandun nang nakaupo ang kambal ko. "Long time long see Nanay" "Manahimik ka at may kasalanan ka sa akin" "Yah! i know. Alam mo naman na di ko..... Di namen kaya yun. Nay bat niyo ginagawa samen to?!

