Jasper POV Hayyy sa wakas na kalabas na din ako sa hospital. Sabi nila Chan ay magiisang buwan din ako doon. Ang sama nang amoy doon. Pinaghalong iba't ibang gamot. Ngayon ay nasa bahay na ako at nasa kuwarto ko. Na miss ko din tong kuwarto ko. Nakakalakad naman ako nang normal ang problema lanv ay minsan ay nahihilo at kumikirot ang ulo ko. Kailangan ko lang uminom ng pain reliver. Nakalabas nga ako sa Hospital heto naman ako di ako makalabas sa bahay di ako pinapayagan ni Romeo na makagala o makapasok sa school. Di ko na kailanman tatawagin na Tito si Romeo. Napatawad ko na siya sa ginawa niya sa akin pero di ko makakalimot ang ginawa niya sa akin. Kita ko naman sakanya na bumabawi siya sa mga nagawa niyang kasalanan. At pansin ko din na parang bumalik na ang dating Romeo. Hin

