MESSAGE Maagang nagising si Constell at agad na napangiti ng masilayan ang maganda mukha ni Rhoda na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Tanging kumot lang ang takip ng kahubdan nito..at hindi siyang magsasawang angkinin ito ng paulit-ulit. Maingat na hinalikan niya ito sa balikat at nagpasyang bumangon para magjogging na nakasanayan na niyang gawin. May kadiliman pa sa labas hindi pa man siya nakakalayo sa pagjogging may liwanag na bigla na lamang sumulpot sa harapan niya. Dinampot niya ang nagliliwanag na bagay na lumapag sa may damuhan. Isang liham mula sa Starry Temple. Patapos na ang iyong misyon..maghanda na sa iyong muling pagbabalik ng Starry Temple. Napahigpit ang hawak niya sa dilaw na papel na naging normal na papel na lamang ngayon. Hindi siya kumilos. Agad na rumihist

