I LOVE YOU
"Bakit gising ka pa?" untag niya kay Rhoda.
Nasa salas ito at nakatutok ang mata sa TV pero bula na lang ang nasa screen.
Kinuha niya ang remote at pinatay iyun saka niya muli hinarap ang dalaga.
"Rhoda..?"muli niyang pukaw rito.
Napakurap-kurap ito na tila ngayon lang natanto na kinakausap niya ito. Kunot-nuo siyang lumuhod sa harapan nito.
"What's wrong?" tanong niya rito.
"Inaalala mo ba ulit ang ginawa sayo ng ex mo?" saad niya.
May kung ano disgusto na umusbong sa dibdib niya.
Marahas itong napabuga ng hangin. "Hindi..iba ang iniisip ko..at..at hindi ako makatulog,"tugon nito na hindi makatingin sa kanya ng deretso.
Ikinulong niya sa mga palad niya ang magkasalikop nitong mga kamay sa ibabaw ng hita nito.
" Pwede ko bang malaman kung ano ang iniisip mo?"masuyo niyang tanong.
Nahihiyang nag-iwas ito ng paningin sa kanya at agad na hinuli niya ang mga mata nito.
"My sweet Rhoda..I can read your mind pero pinipigilan ko lang ang sarili ko na wag pasukin ang isip mo dahil gusto kong bigyan ka ng privacy," matiim niyang saad rito.
Oo,hindi na niya iyun ginagawa na dahil mas masarap sa pakiramdam sa kanya na ang lahat ng iniisip nito ay sinasabi sa kanya. Mas naappreciate niya ang bawat salita nito o kung ano ang nasa isip nito na hindi niya pinangungunahan.
Muli ito napabuga ng hangin. "Hindi ko alam pero..pero sa tingin ko hindi na kita gusto," anas nito na kinamaang niya.
Bigla may kung anong pumiga sa puso niya. Bakit hindi niya gusto ang sinabi nito?
"Bakit?" paanas niyang saad. Nakaramdam siya ng pagkadismaya. Parang masakit sa pakiramdam!
Hindi ba..pabor yun sayo,bituin?
Hindi ka na mahihirapan pa na mamili?
Nagbaba ng tingin ang dalaga at hindi na niya ito pinilit na tumingin pa sa kanya. Pinagmasdan na lamang niya ito. Masakit. Nasasaktan siya?!
"Ayaw mo na sakin..bakit?" mapait niyang usal.
Napatingin sa kanya ang dalaga marahil nahimigan nito ang damdamin niya sa tanong na yun.
"Constell.."sambit nito sa pangalan niya.
Siya naman ang nagbaba ng paningin. Alam niyang nasa mga mata niya ang nararamdaman sakit..pagkadismaya.
Bumuga siya ng hangin at tumayo mula sa pagkakaluhod sa harapan nito.
"Nauunawaan ko kung hindi mo na ko gusto..sa tingin ko nga na marapat lang mangyari yun dahil mawawala rin naman ako pagkalipas ng mga araw na pananatili ko rito,"seryoso na niyang turan.
Tumayo din ang dalaga. Nasa magandang mukha nito ang pangamba. Hindi niya alam kung bakit?
"Matulog na tayo," aniya bago pa man niya talikuran ito hinawakan nito ang braso niya para mapaharap muli siya rito.
"I love you.." saad nito. "M-mahal na kita kaya hindi lang pagkagusto ang nararamdaman ko para sayo,I love you,Constell.." mabilis nitong saad na tila ba kapag hindi nito masabi ay baka pagsisihan nito sa huli na hindi na nito iyun masabi agad.
Hindi siya kaagad nakareak. Kung noong una na sinabi nitong gusto siya nito bumilis ang t***k ng puso niya. Pero ngayon ang tatlong salitang iyun ay doble-doble kaysa noong unang umamin ito sa kanya.
"Alam kong masyadong mabilis..kailan lang tayo nagkakilala pero..pero hindi ko alam kung bakit ganun?" madamdamin nitong saad.
"Constell..ayos lang sakin kung hindi tayo pareho ng nararamdaman gaya ng hindi pagkapareho ng pinagmulan natin," mahina nitong saad na tila pilit na tinatanggap ang katotohanan iyun.
Puno ng lungkot na tumingin sa kanya ang mga mata ng dalaga.
"Ang mahalaga nasabi ko na sayo na mahal kita bago ka pa man tuluyan umalis at bumalik sa inyo," malungkot na ngiti ang gumuhit sa maganda nitong mukha.
"Tulog na nga tayo!"saad nito.
Bago pa man ito maunang iwan siya hinila niya ito at sinakop ang bibig nito.
He kiss her like he love her too!
Oh Constell!
Mahal mo rin siya!
He want to take a risk.
Habol nila ang hininga ng maghiwalay ang mga labi nila. Nanlalaki ang mga mata ng dalaga sa kabiglaan.
Nginisihan niya ito
"You love me?"nakangisi niyang tudyo rito.
Tila natauhan ang dalaga. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pamumula ng mukha nito gaya noong una niya nakita iyun ng halikan niya ito.
"Y-you kiss me..?"anas nito na tila hindi naniniwala sa naangyari.
"Yes,"nakangisi niyang pagtango rito.
"You love me too?"
Hindi siya kaagad nakaimik doon.
Sumimangot ang dalaga.
"Noong una mo kong hinalikan way mo yun para patunayan sakin na buhay ako..and now you kiss me for what?"suplada na nitong turan sa kanya.
Ano na,bituin?
Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan nito na pumukaw sa kanya.
"Okay lang..ako lang naman ay nakakaramdam nun satin dalawa eh,nakalimutan ko Alien ka nga pala baka hindi ka nakakaramdam ng ganun,"turan nito na mahihimigan sa boses nito ang hinanaing.
Inabot niya ang kamay nito.
"I'm sorry..hindi pa ko nagmahal kahit kailan,"matiim niyang saad.
Tinitigan siya ng dalaga at mayamaya pa ay tila naunawaan na siya nito.
"Naiintindihan ko. Sige na,inaantok na ko,Goodnight.."anito.
"Pero alam kong masaya ako at gusto din kita ,Rhoda.."agad na saad niya.
Agad ito natigilan sa paghakbang pero nanatili ito nakatalikod sa kanya.
"Hayaan mo lang na iparamdam sakin ang pagmamahal mo para sakin,sweet Rhoda.."
"Okay,Goodnight ulit.."anito at patakbo nito tinungo ang kwarto nito.
Napabuga naman siya ng hangin.
Tama ba na nagpaligoyligoy pa siya?
Hmm,ewan ko lang,bituin ha?