SAMPAGUITA
He's guilty at hindi niya gusto makita na umiiyak ang dalaga ng dahiL hindi siya tumupad sa usapan nila.
Nang makita niya kung gaano sumama ang loob nito sa kanya parang sinasakal siya.
Gusto niya makabawi rito. Sa anong dahilan? Iyun ay mapangiti niya ito at gumaan muli ang pakiramdam niya.
Ito ang unang beses na naramdaman niya ang emosyon na yun.
Huminto siya mula sa pagtakbo. Humihingal na tinungga niya ang bote ng tubig. Tatlong oras na syang tumatakbo. Nag-iisip pa rin kung paano at ano gagawin para makabawi siya sa dalaga.
Hindi siya nakatulog ng maayos kaya naisipan niyang magjogging ng maaga at ngayon pasikat na ang araw.
Nag-iisip siya kung paano siya makakabawi sa dalaga. Gusto niya gumawa ng isang bagay na magpapasaya talaga sa dalaga.
Nagawi ang mga mata niya sa mga bulaklak na nakatanim sa gilid ng kalsada.
Bigla may umilaw sa ibabaw ng ulo niya.
Flowers.
Bibigyan niya ito ng bulaklak. Mabilis na tinungo niya ang kinaroroonan ng bulaklak na nakita niya. Hindi niya kilala ang bulaklak niyun pero ng lapitan niya mabango ang amoy at kulay puti ang maliliit na papatubong bulaklak.
Pumitas siya roon. Well,sana magustuhan iyun ng dalaga kahit pinitas lang niya iyun sa gilid ng kalsada.
Agad na natanaw niya ang dalaga na nasa labas ng bahay. Tila ba hinahanap siya nito o hinihintay roon.
"Morning!"pagbati niya rito kaagad ng makalapit siya sa harapan nito.
"Morning din.." tipid ang ngiti turan nito.
"Sampaguita ba yan hawak mo?" agad nitong sita sa hawak niya.
Iniangat niya ang hawak sa harapan nito."Ah,hindi ako pamilyar eh..pumitas ako para ibigay sayo,"sabi niya rito.
Nanlaki ang mga mata nito at nasaksihan niya ang paglawak ng ngiti nito.
"Sampaguita talaga?"natatawa nitong turan.
Bigla siya nakaramdam ng pagkapahiya pero agad din nahalinhan ng tuwa ng makita ang reaksyon nito.
"Pero salamat,ito ang pambansang bulaklak namin," anito ng abutin ang bulaklak mula sa kanya.
Napapahiyang tumango siya. "Alam ko na ngayon," aniya sabay kamot sa ulo niya.
Ngumiti ito muli sa kanya at hindi niya maalis ang mga mata sa maganda nitong mukha.
"Bumabawi ka sakin dahiL kagabi eh noh," tudyo nito.
"Oo..kaya sana okay na tayo,"saad niya habang nakatitig ito sa kanya.
"Okay na tayo naman na eh," anito sabag amoy nito sa bulaklak na hawak.
Habang tumatagal na nakakasama niya ang dalaga mas lalong gumaganda ito sa paningin niya.
Bakit,Constell? Gusto mo na rin ba siya?
Agad na natigilan siya. Iyun ang katanungan na naglalaro sa utak niya mula ng makita niya ang dalaga.
"What's wrong?" pukaw sa kanya ng dalaga.
Agad na umiling siya. "Wala naman,nagustuhan mo talaga?"tanong niya.
Nakangiti na tumango ito ng sunod-sunod. "Oo naman..salamat ulit," agad na tugon nito.
Napangiti siya at kay gaan ng pakiramdam niya.
Damn. Hindi niya alam kung mabuti ba yun o hindi. Ayaw niya magaya sa ibang bituin na pinili ang magkaroon ng hangganan ang buhay dahiL sa isang tao.
Napatitig siya sa dalaga na sumisimsim sa baso nito.
Posible kaya..
Hindi
Imposible..
Pero hindi mo mapipigilan ang damdamin na yan,bituin.
Lihim siya bumuga ng hangin at tiningala ang kulay asul na kalangitan kahit hindi niya nakikita ang mga bituin roon alam niyang nandun lang ang mga ito.
"Namimiss mo na sa inyo?"bigla nitong tanong sa kanya.
Agad na nagbaba siya ng paningin sa dalaga na nakatingala na rin sa kalangitan.
Nagbaba na rin ito ng tingin sa kanya. "Maganda ba dun sa inyo?"kuryuso nitong pagtatanong muli.
"Maganda ang Starry Temple,iyun ang tawag sa tahanan namin mga bituin,"tugon niya rito.
Namamanghang tumango-tango ang dalaga.
"Talaga...mas maganda rito?"
Napangiti siya sa pagiging kuryuso nito.
"Mas maganda rito lalo na yung nasa harapan ko,"nakangisi niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya.
Nang makabawi ito naging mailap ang mga mata nito at tumingala muli sa kalangitan. Hindi naman niya inalis ang mga mata sa maganda nitong mukha na ngayon ay bahagya ng namumula ang mga pisngi nito. Sigurado siya hindi dahil yun sa init ng araw na tumatama sa kanila.
"Siguro kung hindi mo ko binuhay ulit...malamang nakita ko na rin ang Starŕy temple..di ba nasa kalawakan lang yun?"
"Kahit saan magkikita pa rin tayo,"tugon niya na kinatingin nito sa kanya.
Lalo namula ang balat ng pisngi nito.
"Kahit sa impyerno?"nakatikwas na ang kilay nitong turan.
Tumawa siya sa sinabi nito.
She's so amusing.
"Maliban dun,my Sweet Rhoda..dahil alam ko ang isang tulad mo ay hindi nababagay roon,"tugon niya na may sinseridad sa tono niya.
"Hmm,sa ganda kong ito hindi talaga ako babagay dun,"anito sabay amoy sa hawak nitong sampaguita.
Nginisihan niya ito.
"Sang-ayon ako sa sinabi mong yan,"agad na segunda niya sa sinabi nito.
Nag-iwas nito ng mukha.
"Mainit na..pasok na tayo sa loob,"pag-aaya na nito.
Tumawa siya sa sinabi nito.
She's so cute.
Nakangisi na sinundan niya ito habang nauuna itong pumasok sa loob ng bahay.
"Magpalit ka na muna ng damit. Ihanda ko lang almusal natin,"anito sabay talikod na sa kanya.
May ngisi pa rin sa mga labi niya na tumalima siya para magpalit ng damit.
Agad na natuon ang atensyon niya sa sampaguit na nakalagay sa crystal glass na may tubig.
Nasa gitna iyun ng mesa.
Umupo na siya sa katapat ng kinauupuan ng dalaga.
"Mabango talaga sampaguita,"untag niya rito.
"Oo,lalo na kapag umaga.."agad na tugon nito.
Tumango-tango siya at pinakiramdaman ang dalaga na abala sa pagkain nito sa pinggan.
"Hindi ka ba talaga galit sakin dahil kagabi?"
Napahinto ito sa pagsandok ng kanin nito sa pinggan at nag-angat ng mukha sa kanya.
Mataman niya ito tinitigan.
"Okay na,Constell..promise,"sagot nito.
Napabuga siya ng hangin. Nagiguilty pa rin siya.
Napukaw siya ng maglagay ito ng hotdog sa plato niya. Agad na napatingin siya rito.
"Kain ka na nga..ikaw pa itong masyadong madamdamin satin dalawa,"tudyo nito.
Agad naman siya natawa sa sinabi nito.
He's feeling good and not guilty now.