chapter 10- Officially dating

1547 Words
Sabrina's POV: "Let's eat lunch first before we talk" sabi niya matapos makipag-usap sa kanyang Daddy. " Tapos na akong kumain, nakalimutan mo na ba?" sagot ko habang nakaupo pa rin at nakatanaw sa malayo. Ano kayang dapat kung gawin at ng lubayan na niya ako. " You're eating lunch with me sa ayaw at gusto mo . " sabi nito habang nililigpit ang gamit ko. " Ayokong sumama sayo. Maraming nag-aakala na magsyota tayo. Ano ba kasing pinagagawa mo? " Muli niyang kinuha ang celphone niya at may pinindot. Maya-maya ay may ipinakita siyang video. Shocks. May kumuha ng video sa'min habang kumakanta sa park. Anu ba yan. Nagiging viral pa. " Bakit di mo sabihin sa kanila na di 'to totoo? Hahayaan mo na lang silang maniwala sa maling akala?" "I will think it later, but for now let's eat lunch together. " sagot niya habang nakahawak sa kamay ko. Bitbit na rin niya ang school bag ko. " Huwag mo akong hawakan, kaya kong maglakad mag-isa" waksi ko sa kanya ngunit lalo lamang niya akong hinigpitan sa paghawak. " Huwag kang malikot or else..." banta niya habang naglalakad ng mabilis habang hinihila ang kamay ko. "Aray, ano ba! Dahan-dahan naman natisod ako. Huwag mo nga akong bantaan dyan, kasalanan mo to. Bakit ba kasi ang hilig mong manggulo sa buhay ng iba. " sigaw ko. Muli siyang huminto sa paglalakad at bigla niya akong binuhat. " Ang bagal mong maglakad nagugutom na ako. " "Ibaba mo ako. Anu ba! Bastard! Stupid! Jerk! Pervert! Ibaba mo akooooooooo. Saan mo ba ako dadalhin hinayupak kaaaaa, ipapakulam talaga kita" sigaw ko habang pinagsusuntok ang kanyang likod. Di man lang siya natinag at patuloy pa rin siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa cafeteria. " What an entrance dude! Hahahaha" biro ng isa sa mga friends niya. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Nakakainis. Gusto kong umiyak dahil sa sobrang hiya. " tagal nyo tol, akala namin di na kayo darating" " nag-uusap pa kasi kami ni daddy." sagot nito habang tinatawag ang waiter at umorder na rin. "Hi sab, I'm Philip " kaway nito sa akin. " This is James, uhm Jacob, and nick" patuloy niya sa pagpakilala at tinangoan ko na rin. Habang si laurence naman ay abala sa paglalagay ng pagkain para sa'kin. " Ayokong kumain" tanggi ko habang itinulak ang styro. " kakain ka ba or susubuan kita ?" pabulong nitong sabi. Damang dama ko ang hininga niya na malapit sa tainga ko. " Wow! Ang sweet mo tol, kakainggit" pang-aalaska ng kaibigan niya. "May LQ ba kayo? Naku ha, wala pa nga kayong bahay nag-aaway na kayo.. Oi.. " segunda pa ng isa. " kiss mo nga siya rence para matanggal yong galit niya. Iniinis mo lagi eh" tukoy pa ng isa sa'kin. Wala na. Para na akong kamatis sa sobrang pula ng pisngi ko. " Behave guys, I have my virgin's girlfriend here" Pinagkaisahan ba naman ako. " Excuse me, hindi mo ako girlfriend " napipikon kung sabi at akmang tatalikod na. " Don't deny it babe. " sagot naman niya habang pinipigilan niya ako sa pag-alis. "Huwag kang gumawa ng eksena kung ayaw mong halikan kita sa harap ng mga tao na nandito" pabulong niyang sabi habang nakayakap sa baywang ko. " Thanks for humiliating me. Kutang-kuta ka na sa akin. Ano bang kasalanan ko sayo? " sagot ko naman ng pabulong na rin. " I did nothing Sweetheart, I'm just asking you to eat ok?! " ' Huwag mo akong tawaging sweetheart." " alright hon" Tikhim. " Sweet nyo talaga, ano bang pinag-uusapan nyo at kanina pa kayo nagbubulongan dyan? " "wala" sabay naming sabi. Sa pagkain ko nalang ibinunton ang lahat. Lagot ka sa akin mamaya...... **Laurence POV** Pagkakataon nga naman. Habang siya ay namumula sa galit, ako naman ay nag-eenjoy sa mga ipinapakita niyang reaksyon. Ganito pala siya magagalit. Namumula ng husto, gumagalaw ang mga panga na halatang nagpipigil sa galit, nakapikit ang mga mata habang hinihimas ang kanyng noo. Hahaha. Sarap niyang halikan. Nakakaturn-on. Nakakainlove lalo. Sa anong paraan ko kaya siya na maging girlfriend officially. Paano kung ayaw talaga niya sa akin? Haisst. Bakit ba ako nag-iisip ng negative. Dapat positive lang. Imposible yun ano? Walang umaayaw kay Laurence Alcantara. Napatingin ako sa kanya ng bigla niya akong sikohin. " Bilhan mo 'ko ice cream" pambihira. Walang sinuman ang nag-uutos sa 'kin. " wow dude! Bilis mo pala. Naglilihi na agad? Hanep pare. " natatawang buska ni Philip samantalang nakangiti naman sila James at Jacob. No choice. Sige na nga. **** Sabrina's POV: Ayaw mo 'kong tantanan huh! Sige bubwisetin nalang kita. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo. Matira matibay. ****** "Hanggang kailan? " tanong ko sa kanya habang abala sa pagkain ng ice cream na hawak ko. Ibig kong sabihin, hanggang kailan niya ako lubayan. Ang pagkakaalam ko hindi na dapat kami magkita. Kaya nga nilibre ko siya noong kaarawan ko. Wala na kami sa cafeteria at kasalukuyang naglalakad pabalik sa kinaroroonan namin kanina. kaming dalawa nalang ulit ang magkasama matapos niyang palayasin ang mga kaibigan niya. " Ang alin? " clueless niyang tanong habang dala-dala niya ang aking gamit. Seriously!? Gentleman? I don't know at ayokong alamin pa. What's the point? Paki ko ba sa kanya. " Kailan mo ako titigilan? Sorry, pero ayoko kasi na palagi tayong magkasama, lalo na dito " sabi ko habang nakatitig sa kanya. " Bakit? " " Maraming dahilan, una maraming babae ang may gusto sayo. Ayoko na maging magulo ang buhay ko" " Too late!! Isa lang ang alam nila sa ngayon. At iyon ay ang girlfriend kita" "Kaya nga tulungan mo ako, sabihin mo sa kanila ang totoo at ng di na sila magagalit sa akin. "hmmm. Ano ang kapalit? " "Huh? Kapalit? Bakit may kapalit? Siyempre wala. Kasalanan mo to diba? Nagkukunwari kang girlfriend mo ako dun sa park, at sakto namang nakunan ka ng video tapos maniningil ka ng kapalit. Grabe naman..sorry at mukhang naperwisyo kita. " bakit ba kasi puro kamalasan ang inabot ko simula ng makilala ko ang hinayupak na to. "eh sa wala naman akong pakialam sa mga rumors o sa maling paniniwala nila. Bakit naman ako mag-eeffort na mag-explain.? "Aba naman, siyempre di ikaw ang nahihirapan kaya wala kang pakialam, bakit ba ayaw mo kasing sabihin ang totoo ha? " " sabihin ko naman ang totoo. Sa takdang panahon" pakindat nitong sabi. " sabihin ko ang totoo basta susunod ka sa gusto ko" seryoso nitong sabi. Anu daw? " papayag ako kapag magkasama tayo every sunday, pwede kitang masundo at mahatid dito at sa tinutuluyan mo. " " Ano to blackmail? " " Hindi , kasunduan ang tawag dyan. Ayaw mo ng puntahan kita sa apartment mo, then sige susundin ko yon, pero di rin kita matutulungan sa anumang issue dito sa school " " Anu ba kasi ang dahilan? Bakit ba kasi kailangang magkita tayo o dalawin ako at may pasundo hatid? " Dahil gusto kong makilala kita, dahil gusto kong makipagkaibigan sayo. " " Huh!? Alam mo di tayo bagay na maging magkaibigan. " " nonsense!!! " " totoo, hindi tayo bagay dahil mayaman ka, ako mahirap. Hindi ka ba natatakot na baka huthutan kita ng pera?. And, hindi tayo bagay na maging magkaibigan kasi pangit ka at maganda ako" siyempre di totoo yun. Hehehe. Iniinis ko lang siya. Mali. Di man lang siya naiinis. Tumawa pa nga ng nakakaloko habang nakayuko sa harapan ko para magkapantay ang aming mukha. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo? " sabi niya habang nakangiti. s**t. Guapo naman kasi siya. " Hardinero nga namin nababading sa kapogihan kong taglay pero ikaw napapangitan? Sige nga, tumingin ka sa mga mata ko tsaka mo sasabihin na pangit ako." hamon niya habang nakangiti. Akala mo siguro maapektuhan ako sa titig mo. Pwes! Nagkakamali ka. " Na. Pa. Ka. Pa. Ngit. Mo! " pabulong kong sabi. Bakit ba kasi napakapungay ng mga mata niya, ang cute ng Dimples niya, matangos ang ilong, idagdag mo pa ang palaging nakangiting mga labi. Ayan na naman, napangiti na naman siya. Hala! Palapit ng palapit ang mukha niya sa 'kin. Biglang nanlaki ang mga mata ko na nakatitig sa kanya. Bigla niyang itinaas ang kanyang kamay na papunta sa, sa -dibdib ko? "Ano bang ginagawa mo? " " Suot mo na pala to, bagay sayo. " tukoy niya sa kuwentas na bigay niya habang hawak-hawak niya ang pendat nito. Napa buntong hininga ako. Akala ko kung anong gagawin niya. Kinakabahan ako dun. " So, do we have a deal? " sabi niya matapos nakaupo na muli. Naman oh. Linggo na nga lang ang pahinga ko tapos ishare ko pa sa iba. No choice. " Ok, sige basta linawin mo ang isyu na hindi mo ako girlfriend " "Yeah sure, halika pupunta tayo sa tambayan ng mga estudyante" sagot niya habang hila ako. Nasa gitna na kami ng mga mag-aaral ng magsimulang magsalita si Laurence. "Attention ladies and Gentlemen. " panimula niya na agad namang napahinto sa pagkukuwentuhan ang lahat at napatingin sa kanya. "I just want to make it clear that Sabrina and I are not lovers. " Nakapause niyang sabi. Halos lahat ng kababaihan ay halatang masaya at napangiti. Hay sa wakas biglang gumaan ang pakiramdam ko. Dahil alam kong wala ng magagalit sa akin. Iniisip ko pa lang na maraming magagalit sa akin ay parang di ko makayanan. "But right now we are officially dating, and still in the stage of getting to know each other. So wish me luck. " patapos niyang sabi at agad naghiyawan ang mga mag-aaral na nandun. Ano daw!!!!!????? End of chapter 10
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD