chapter - first rejection

1423 Words
Laurence POV: Para akong bumabyahing mag-isa. May kasama nga ako pero di naman nagsasalita. Kanina ko pa siya palihim na pinagmamasdan habang nagmamaneho. Dahil nagmamadali kami na makaalis papuntang school. Sa sasakyan na siya nag-aayos ng sarili. Sinusuklay niya ang mahaba niyang buhok. Naglalagay ng pulbo, at pagkatapos pinapahiran ng lip shimmer ang kanyang lips. Hindi na siya gumagamit ng mamahaling perfume. Johnson baby cologne lang ang ginagamit niya. Marami na akong past girlfriends pero pagdating sa pagpapaganda kukulangin ang isang oras para sa paghahanda. Pero sa babaeng katabi ko ngayon hindi man lang umabot ng limang minuto ang paghahanda niya. At ang resulta? Superb. Napakaganda niya. Di tulad ng mga ex's ko na parang pam-pam o di kayay clown dahil sa sobrang kapal ng pampapula na nilalagay sa mukha. "So, you're a scholar student? " panimula ko sa aming usapan. Pero kahit isang sulyap o simpleng sagot, di man lang ako binigyan. Walang epekto sa kanya ang kapogihan kong taglay. Hay, ano kayang gagawin ko para kausapin nya ako. "galit ka ba sa akin? " nababahala kung tanong. No pansin pa rin. "Look, I'm sorry, pero maski sino naman ang nakapanuod sa inyong dalawa ng lalaking yun, para talaga kayong naghahalikan. And, gusto ko lang na maging fair sa lahat. Sana maintindihan mo ako." Sabi ko sa kanya habang tinitingnan siya. ********* Sab POV: Nakakainis talaga siya. Kahit ano pang gagawin niyang pagsosorry, hindi na mababago ang lahat. Siya ang dahilan kung bakit mashortage ako sa budget. Mamahal kaya ng mga libro. Hanggang ngayon sumasakit pa rin ang ulo ko sa kakaisip ng paraan. "Alam mo bang mahihirapan ako financially kapag di ako makapanghiram ng textbook sa library? Dahil sa pagreact mo ng sobra bawal na akong pumunta dun. Malaking tulong na sana yon sa akin. Kunsabagay, hindi mo naman yon maramdaman kasi mayaman ka diba? Kaya kahit anong sorry mo. Hindi yan makakatulong. " sabi ko sa kanya habang binabasa ko ang aking time study schedule at ang dapat kung gagawin for the rest of the week. "I can help you. I can buy you books. Just forgive me. Ayokong may makasamaang loob. " sagot nito habang nagmamaneho. "ayoko. Matulungan mo lang ako kung bawiin mo ang paratang mo laban sa'kin. "I can't do that. Not unless if we pretend that we're lovers. Makumbinsi ko sila na hindi totoo ang isyong laban sa'yo at palabasin natin na nagseselos lang ako kaya ko nasabi yon. " Anu raw????? ******** Laurence POV: Thats it! Sa wakas nasabi ko na rin ang gusto ko. Gusto ko nga totohanan na eh. Kaso masyado pang maaga. Kunsabagay ngayon lang niya ako nakilala. samantalang ako. Magdalawang taon ko na siyang kilala. Tanga ko lang at di ko nalaman agad na sa unibersidad na pag-aari pa ng agwelo ko ang pinapasukan niyang paaralan. Permanent customer ako ng pinagtatrabahuan niyang food chain. "gusto mong magpretend tayo as bf/gf?" shock niyang tanong. Parang di siya makapaniwala sa sinasabi ko. "yan ay kung gus---" pero di pa ako natapos at bigla siyang nagsasalita. " ayoko. I'm not interested. " bigla niyang sabi habang tuwid na napaupo. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig. Hindi ako makapaniwala. As in ako? Si Laurence Alcantara nireject ng isang iskolar ng bayan? "Bakit? Napapangitan ka ba sa akin? " naiirita kung tanong sa kanya. Gusto kong manapak ng tao. "wala akong oras sa mga ganyan. Sa daming babaeng nababaliw sa'yo, ayokong magulo ang tahimik kung buhay. Kaya ayoko. " sabi nito habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kanyang sasakyan. "then I guess hindi rin kita matutulungan. " *********** Sab POV: Kung ayaw mo akong tulungan eh di wag. Sabi ko sa sarili ko. Siyempre nakakatakot din na magtaray ng sobra-sobra. Baka mamaya pati scholarship ko tsugi na rin. Ilang sandali pa at nasa school na rin kami. Dito kami dumaan sa private entrance niya. Diretso ata to sa faculty office. Hindi kami nagkibuan habang naglalakad. Pero ako na rin ang unang kumausap sa kanya. Ayaw ko sana. Kaso baka sabihin niya ni pasalamat wala man lang sa bokabularyo ko. Akala ko di na niya ako kibuin pero parang yun na nga kasi isang tango lang din ang sagot. Oh eh, wala rin akong paki sa kanya. "Hello Sabbbbb! Oi ha, himala naunahan kita ngayon" masigla niyang sabi. "Alam mo, may good news ako. Alam mo bang may bago kaming kapitbahay. Naku, pogi niya talaga. Kaya siya na ngayon ang love of my life " masaya niyang kuwento habang nagniningning ang kanyang mga mata. Parang christmas light lang ang drama. Napailing ako. Parang kailan lang at umiiyak siya. ngayon naman parang lumulutang sa alapaap habang nagkukuwento. Sa sobrang bilis ng kanyang pananalita hindi ko na maintindihan. "parang di ka ata nakikinig eh. " maktol nitong sabi. " oi, nakikinig ako ha, bakit mo nasabing love of your life, bf mo na ba siya? Nag-date na ba kayo? " Nakangiti kong tanong sa kanya. " hindi pa. mmmm hopefully in the near future." kindat nitong sabi. Napaka positive thinker talaga. " hahahaha.. " di ko mapigilan di matawa. Agad namang nanlaki ang kanyang mga mata. " alam mo? Ang ganda mo pala kapag nakangiti ka. Maganda ka na pero gumaganda ka lalo ng mga ten times" taas kamay nitong sabi na parang nanunumpa. Agad naman akong sumeryoso. Dahil sa pakikipag-usap ko sa kanya. Panandaliang nawala ang problema ko sa buhay. Nakakagaan ng pakiramdam. " by the way, may isa pa pala akong good news for you. Ito oh. " sabay abot ng ipad mini sa akin. " ano naman to? " kunot-noong tanong ko sa kanya. " pinaglumaan ko na yan. May bago na kasi ako kaya sayo nalang yan. Di mo na kailangan pang bumili ng textbook kasi nakadownload na dyan lahat. Pero pasensya na kung maraming photos dyan si laurence. Alam mo naman. Former crush ko siya. " apologetic niyang sabi Nakakapagtaka. Pinaglumaan daw, pero bakit naka sealed pa. Ikinibit balikat ko nalang. " salamat ha? Malaking tulong to sa akin" nahihiya kung sabi. "wala yan. Maliit na bagay" "halika!! Total kakatapos lang ng first class natin libre kita sa cafeteria " yaya ko sa kanya. Pasasalamat ko na rin dahil di ko na kailangang bumili ng textbooks. "ok, gusto ko ata yan. tara?? Sabi nito at nauna ng lumabas. ******* Laurence POV: "hahaha! Seryoso dude? Nireject ka? Eh wala ka pala eh. Ang hina mo naman pala. Hahahaha. Sinong mag-aakala na may aayaw kay Laurence the great hahahahahah.!!!! " kantiyaw ni Jacob. Kunti nalang talaga at uupakan ko na to. " tsst!!! Kainis pare, wrong move ang ginawa ko. Sana di ko nalang ginawa ang ganung set-up. 'kala ko desperado siyang hihingi ng tulong sa akin at susundin niya ang gusto ko" wala sarili kong nabato ang isang throw pillow sa isang sofa. Habang pabalik-balik sa paglalakad. Dito kami ngayon sa bahay nila James nagtitipon. "Bakit hawak mo pa i.d niya? Akala ko ba binigay mo na kanina? " kunot-noong tanong ni Philip. " eh kung ibigay ko 'to agad. Wala na akong rason para mahatid siya. " "Tsk! Tsk! Naku tol! Malala na yang naramdaman mo. Pacheck-up kana baka ang ending niyan sa mental na ang bagsak mo. " buska pa ni Jacob. Kanina pa to. Talagang sinasagad ako. "Alam nyo dude? Tuluyan ng nagkahiwalay ang parents ko. Kaya nga lumipat na kami ng bahay. " biglang pag-iba sa usapan ni Jacob. Napatiimbaga na rin ito. Di ko alam na sa kabila ng kanyang masayahin may tinatago pala siyang problema. Matagal ng nagkalabuan ang mga magulang nito. Napabalitang may ibang lalaki ang kanyang mommy. "so anong gagawin mo ngayon? " alalang tanong ni Nick sa kanya habang nagbabasa ng libro. Kibitbalikat lang ang tugon niya. "wala akong pakialam sa mga magulang ko. Ang iniisip ko ngayon kung paano ko alagaan sina Paul at nicky. Magtatrabaho na rin ako sa kumpanya namin. Kinausap ako ni daddy kagabi. Kailangan ko na raw pag-aralan ang business namin bago pa siya mag-asawa ulit. " malungkot niyang sabi. "Kung kailangan mo ng tulong, andito lang kami. Di ka nag-iisa pare" sabay sabi naming apat. "aw! Anu ba yan. Ayoko ng drama. Pero salamat mga tol. " para sa samahan ng mga guapo at macho." sigaw ni James. "cheers!!!! " sabayang sigaw. "para sa mga nareject" pambubuska ni James "teka tol huwag naman ganyan. " apila ko. "di bale bro. Hanap ka nalang iba. Dami namang babaeng patay na patay sa'yo. " si Philip. " tsssh!!!!! tumahimik nga kayo!!!! " Wala na. Pikon na pikon na ako. Hindi ako sumusuko ng hindi lumalaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD