chapter 13- missing u..😔

1493 Words
Two months later: Sabrina's POV: " Napakaaga ng sundo mo." baling ni abby sa akin habang itinuro ang sasakyan sa labas. Sino pa nga ba? Eh di walang iba kundi si Laurence lang naman. Naging kaibigan na rin niya halos lahat ng kasamahan ko dito. Pati security guards ay friends na rin siya. Naipakita ko na lahat ng katarayan ko. Nakakapagod din magsungit lalo na kung isang matamis na ngiti galing sa kanya ang nakukuha ko bilang sukli niya. Walang silbi ang pagtataray ko sa kanya. Umulan o bumagyo idagdag mo pa ang el niño, andyan pa rin siya at di pa rin napapagod. Nasanay na rin ako sa kanyang presence. Maraming beses niya akong niligawan at ilang beses na rin siyang nabokya. Pero ang sabi niya ay maghihintay siya. Kung tutuusin, maswerte ako kung sasagutin ko siya. Dahil napakabait niya, guwapo, mayaman. Pero inaayawan ko pa. Wala na ata akong hahanapin pa sa isang lalaki. Aaminin ko. May nararamdaman ako sa kanya. Pero mali. Kaya hanggat makakaya ko pang pigilin ang nararamdaman ko ay gagawin ko. Dahil ayokong matulad sa nanay na umuwi sa amin na luhaan at bigo sa pag-ibig. " Alam mo di naman kailangan na hintayin mo ako dito at ihatid sa tinitirhan ko. " panimulang bati ko sa kanya matapos makapasok sa kanyang sasakyan. Habang siya naman ay kagigising lamang. " Tingnan mo, nakatulog ka pa sa kahihintay sa akin" saad ko habang nag-alala sa kanya. "Matagal ko na tong ginagawa sayo di ka pa rin ba nasasanay" ? Nakangiti niyang tanong. " Huwag mo ng ipilit sa'kin na hindi kita susunduin, alam mo naman delikado pag gabi kaya relax, at huwag ka ng magtaray diyan. " habang pinipisil ang pisngi ko. Tahimik lamang siya habang nagmamaneho at ako naman ay palihim na nakatingin sa kanya. Para kasing matamlay siya. Nakakapanibago. " Tuloy na ako, bye! " pamamaalam niya sabay halik sa pisngi nang makarating na kami sa tinitirhan ko. Oo, ganyan siya ka sweet. nagsawa na rin ako sa kakasaway. " Wait! Mainit ka ah, masama ba pakiramdam mo? " nakakunot noo kung tanong sa kanya. Naku, lagot ako sa mommy niya pag nagkataon. Dahil sa akin nagkasakit ang anak niya. " pasok ka muna sa loob. Kunan muna kita ng body temperature. " sabay hila sa kanya. Pati kamay niya maiinit. Papasok pa lang kami ng napahawak siya sa pinto. " Bakit? Nahihilo ka ba? " nag-alala na ako. Hala! Anu bang nangyari sa lalaking ito. Nakapikit ang mga mata niya habang nakahawak sa kanyang ulo. Nagmamadali akong alalayan siya. " Hoy, huwag ka nga ganyan. Tinatakot mo ako" " Oi concern, mahal mo na ba ako? " nangingiti niyang sabi matapos pingotin ang ilong ko. Nagkasakit na nga siya at luma-lovelife pa. Ignore mode. " Maupo ka muna. Kuha lang ako ng gamot. " utos ko at pagkatapos pinapaipit sa kanya ang thermometer saka pumunta na sa kuwarto para kumuha ng gamot. Mabuti na lang at palagi akong may stock na paracetamol . " Inumin mo muna to" sabay bigay ng gamot at tubig nang makabalik na ako sa kinaroroonan niya. " Taas ng lagnat mo. Kaya mo pa bang magdrive?" nakaupo na ako sa tabi niya habang minamasdan siya sa pag-inom ng gamot. " Hmmmm medyo nahihilo ako eh, ok lang ba kung dito muna ako magpalipas ng gabi? " biglang sabi niya habang niyayakap ang sarili. Halatang giniginaw. Di kaya pumaparaan lang siya? Kung papayag ako, magdamag kaming magkatabi dahil isang maliit na sofa lang ang meron ako na iisang tao lamang ang magkasya. Di pwedeng mahigaan. " Promise, I'll behave. Hindi ko talaga kaya magdrive eh. " sabi nito habang nakataas ang kamay. No choice. Sige na nga. Mabuti nalang at medyo malaki ang kama ko at pwede sa dalawang tao. Mabuti nalang din at may extra blanket at pillow ako. Binigay ko agad sa kanya. Matulog na sana ako ng naramdaman kong nanginginig siya ng husto. " maginaw pa rin? " tanong ko sa kanya matapos ko siyang lapitan. Tumango lamang siya. Binigay ko nalang ang kumot ko. Pero ganun pa rin. " Laurence!" tawag ko sa kanya pero di siya sumasagot. " hoy! Magsalita ka? " " Hug me, please?! " pati boses niya malamig. Oh my G!!!!!! No choice na naman ako... Kanina ko pa minamasdan ang kanyang mukha habang nakapikit ang kanyang mga mata at ako naman ay nakayakap sa kanya. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Kasing bilis ng t***k ng kanyang puso na naririnig ko habang yakap siya. Napakaguapo niya talaga. Sarap halikan ng kanyang mga labi na nakanganga. Langhap ko ang kanyang mabangong hininga. Ano ba tong nararamdaman ko? Ang hirap pigilan. Napailing nalang ako. Akma na akong tatayo ng bigla siyang napaungol. " I love you babe! " pikit mata niyang bulong. Nagdedeliryo na nga, nasa isip niya pa rin ang panliligaw. Ano ba yan. Ang hirap naman paniwalaan parang ginugood time lang ako nito ah. Muli kong kinapa ang kanyang leeg at noo. Medyo humupa na ang kanyang lagnat. At nagsimula na rin siyang pawisan. Hay salamat naman. Time for me to sleep. Kinaumagahan : Akala ko si Laurence pa rin ang kayakap ko pero nang idilat ko ang mga mata ay napag-alaman kung unan pala ang niyayakap ko. "Disappointed?!" kantiyaw ng utak ko. Of course not. Hmmm. Hindi nga ba? Hmp! . Mabuti nalang at sabado. Walang pasok. Medyo mataas ang pahinga ko bago magtrabaho mamayang gabi. Isang note ang nakita ko na nakalagay sa side table. Babe, Thanks for taking care of me last night :). I'll be gone for several days for a family vacation. Take care and stay beautiful. Loving you as always, Rence P. S. ILoveyou. Huh? paano na ang studies niya? Kunsabagay nag-oOJT na pala siya at kunti nalang ang kanyang units na natitira. Ahhhhhh :(. Dapat matutuwa ako dahil sa wakas walang mangungulit sa 'kin. Pero bakit ganun? Nakakawala ng gana. Natamaan na ba talaga ako? Mahal ko na ba talaga siya? ****** Lumipas ang mga araw, at naging linggo. Magdadalawang linggo na wala pa ring Laurence na nagpapakita. Pati mga kasamahan ko sa trabaho ay nagtataka at nagtatanong na rin kung bakit di na ako sinusundo. " alam mo masyado kang pa-miss" bulong ko sa picture niya na naka save sa ipod. Wala sa sariling hinahaplos ko ang mukha niya sa picture. Sabi mo maghihintay ka. Hihintayin mo ako na sasagutin kita. Di ka man lang nagpaparamdam.. Sabi ko na nga ba.. Mapapagod ka rin.. Hay!!!!! Nakakalungkot naman... Gusto kung umiyak.... Ano kaya kung i. Text ko siya. Pero pa'no? Nakalimutan kung i. Save ang number niya. Pati text messages niya na erase ko din lahat. Wait. Try ko kayang tingnan sa call register. Hmm. Sana makita ko number niya. May nakita akong unregistered number baka ito na. Ito kaya yon?! Tanong ko ulit sa sarili. Try ko kayang magsend ng message. Typing message: hey! :) Sending....... Message sent... Ilang sandali pa at may nagreply. [ hello :), kumusta? ] Typing message: may i know your name? Di kasi nakaregister sa phone ko ang number mo. Ang pangit ng rason ko infairness.. Sana bumenta. One unread message: [Hihihih. Si marky to sab. ] Ayy. Mali pala ako. Akala ko kay Laurence. Typing message: ok. Sorry di ko na save. Hayaan mo naisave ko na. Night mark. Bye. Muli akong naghahanap ng unregistered number sa call history ko. May nahanap akong isa. Ito na kaya? Typing message: hi:) Sending message...... Message sent...... Walang reply. Ok. I give up. Baka iba na naman ang may-ari at di sa kanya. Makafacebook na nga. Typing my status: Missing u!!!!! :(. Anyway, who cares?! Wala naman talagang magki-care. Maka-exit na nga. At tuluyan na akong nagsign-out. Balak ko na sanang matulog ng biglang tumunog ang celphone ko. "Hello?! "agad kong sagot habang inihanda ang higaan. " hey gorgeous" masiglang bati sa kabilang linya. Muli kung tiningnan ang number sa screen. Kakaiba sa numero na tinetext ko kanina. " hi. Kumusta? Napatawag ka? " nahihiyang bati ko sa kanya. Siyempre pa kay Laurence. " Pakiramdam ko kasi, na-miss mo ako eh, kaya ako napatawag" ganda ng boses niya. Namiss ko sya lalo. di ko tuloy alam kung ano isasagot ko. Silence. " So, totoo ba? Na miss mo'ko? " pangungulit ulit niya. Hala. Bigla akong kinabahan. Bakit ganon? Parang may giyera sa dibdib ko. "hmmm. Kailan ka babalik?" pag-iiba ko sa usapan. Nakakahiya kasing aminin. " Hmmm, di ko alam eh. Baka hindi nah. Ikaw kasi di mo 'ko pinapansin. " ako pa talaga sinisisi niya. Hala! seryoso ?!!! " paano na ang studies mo? " " through online class." tipid niyang sabi. Ayp. Bakit bigla akong nanlumo. Parang gusto kung umiyak. " ahhh ok" wala na akong ibang maisip na sabihin. Baka kasi di ko mapigilan ang sarili at bigla akong mapahagulhul. Nakakahiya naman. Yay!! Di ko na napigilan ang sarili at bigla nalang akong naluha. " Ahmm, kailangan ko ng- " muli akong napahinto sa pagsasalita ng para akong kinakapos ng hininga dahil sa kakapigil sa paghikbi. " kailangan ko ng ibaba to medyo malalim na kasi ang gabi. Bye"di ko na siya hinintay na magsalita pa. Sayang! Kung kailan nakapagpasya na ako........ End of chapter 13******** "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD