WAVES OF DISTRESS EPISODE 47 THE ACCUSATION AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. “Hindi muna natin pwedeng sabihin sa lahat na may relasyon tayong dalawa, Tobias,” seryoso kong sabi sa kanya pagkatapos naming magyakapan at maghalikan dalawa. Nandito kami sa may kusina ng kanyang unit at pinagluto ako ni Tobias kasi kanina pa rin ako gutom dahil sa pagkaka-lock naming dalawa sa elevator. Sumabay na rin siyang kumain sa akin para sa kanyang dinner. Tapos na kaming kumain at nag-uusap na kami ng masinsinan ngayon ni Tobias. Kumunot ang kanyang noo na para bang hindi nagustuhan ang aking sinabi. “What?! And why?” tanong niya. Huminga ako nang malalim. “Ayokong gulatin ang mga empleyado ng Saroso, Tobias! Kay bago-bago ko lang doon tapos malalaman nila bigla na girlfried mo pala ako?! At is

