WAVES OF DISTRESS EPISODE 59 FAINTED AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. “Tobias Kai Generoso, huwag mo akong tinatalikuran diyan! Baka nakakalimutan mong asawa mo na ako?!” singhal ko. Tobias and I got married. Yes, we got married. Hindi niya talaga ako tinigilan hangga’t hindi kami nakakasal dalawa. Kinasal kami sa huwes at ang pumunta lang sa aming kasal ay si Jullie at si Justin. Walang ibang nakakaalam na kasal na kaming dalawa kundi sila Jullie at Justin lamang. Hindi pa namin pinaaalam sa ibang tao lalo na kina Sabrina dahil malaki pa ang problemang kinakaharap nila. Ayaw sabihin ni Tobias sa akin ang kanilang problema pero alam ko na kung ano ito dahil pinilit ko si Justin na sabihin sa akin ang katotohanan. Binenta ni Tobias ang malaking shares ng company ng kanilang pamilya sa

