WAVES OF DISTRESS EPISODE 39 WHO’S TK? AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. Simula nang magpadala sa akin ang misteryosong may pangalan na TK, mas napapadalas na ang kanyang pagpapadal sa akin ng pagkain at kahit nagtataka ako ay tinatanggap ko pa rin ito dahil sayang naman kung tanggihan ko diba? At ang good timing pa ng pagdating sa mga pagkain dahil dumadating ito kapag nakaramdaman ako ng pagkagutom ko o hindi naman ay maisipan kong mag overtime ulit tapos wala pa akong kain. “Naks! Sino ba iyang secret admirer mo at kada araw ka na lang pinapadalhan ng pagkain?” nakangising tanong sa akin ng ka-trabaho kong si Alyssa. Ngumiti ako at nilagay na ang paper bag na may lamang mga pagkain sa aking table. Syempre si Kuya guard pa rin ang nag abot nito sa akin at sinabi niyang may n

