WAVES OF DISTRESS EPISODE 50 SHE’S BACK AMARA GEORGINA’S POINT OF VIEW. “Amara, nandiyan si Justin sa labas at sabi niya hinahanap ka raw ni Sir Kai at pinapapunta ka sa office niya.” Napatigil ako sa aking ginagawa nang lumapit sa akin si Jullie at sabihin niyo iyon sa akin. Tumayo naman ako at niligpit na muna ang aking mga gamit. Humarap ako kay Jullie at ngumiti. “Okay—wait, namumula ba ‘yang mukha mo?” tanong ko sa kanya. Aalis na sana ako pero napansin ko ang kanyang namumulang pisngi at para rin siyang kinikilig na nahihiya. “H-Huh? Hindi!” mabilis siyang umiling at hinawakan ang kanyang pisngi. Napatingin ako sa labas ng office namin at nakita ko doon si Justin na naghihintay sa aking pag labas. Sandali nga, may gusto ba itong kaibigan ko kay Justin? Pero kung oo, okay

