“Kayo nanaman.” Panimula niyang rinig ko kaya mas lalo akong kinakabahan. “Iho ayos ka lang ba?” Lapit pa samin nila Tita kaya naman mas bumilis ang t***k ng puso ko. “Ok lang ako Tita. Si Eliza kasi tinangay ng tubig don sa malalim. Masama naging tama ng paa niya kaya namamaga.” Paliwanag naman ni Christian. “Ayos ka lang?” Kuha sakin ni Jericho kaya naman di na ko nakapag tulog tulugan dahil nakita kong matalim yung tingin niya sakin. “Oh.” Sagot ko lang. Binaba niya naman ako sa upuan at bigla nalang kumandong sakin si Kaizer. “Nak, dun ka muna kay Lola. Masakit yung paa ni Mommy.” Salita pa sakanya ni Jericho pero yumakap lang siya sakin ng mahigpit kaya sinabi kong “Okay lang.” “Ano bang nangyari? Kanina lang—“ “Hindi ko din alam. Basta ang alam ko lang nung umalis ka sa tabi k

