ELIZA POV Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Bakit ganito? Mag babagong taon pa naman at gusto ko sana maging perfect ang lahat. Mag kasama kaming tatlo na manunood ng fireworks, mag loses at kumain ng sabay sabay. Bakit ba nag kakaganito ang lahat? Kailangan ba lagi nalang ako ang dapat lumaban para saming dalawa? "Mommy...Bat ka iyak?" Tanong sakin ni Kaizer na kagigising lang kaya naman natauhan ako at napatigil sa pag iyak. "No baby I'm not crying. Ang cute cute mo kasi." Pagsisinungaling ko sakanya at niyakap siya. "Kaizer halika muna kay Granny." Tawag sakanya ni Tita, mama ni Jericho na kapapasok lang sa kwarto. Pinunasan ko ang luha ko at pinilit na wag muna umiyak. "Eliza? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Tita sakin at niyakap ako. "Makakaya niyo rin yan." Dagdag niya pa at

