Kabanata 34 KINABUKASAN ay maagang nagising si Arella. Nabulabog ang mahimbing n'yang pagkakatulog 'di dahil sa hang over, kung 'di sa matinding sakit sa kan'yang puson. She's in her period now and it's been so long since she last suffered those kind of pain— the symptoms of her illness for having a case of leiomyoma. Ito ang dahilan kaya maliit ang tsansa na mabuntis ulit si Arella. She was diagnosed with this case after she gave birth to Samuelle. Dahil din sa sakit n'yang ito kaya naging malapit s'ya kay Bernard noon sa Mexico. Dahil kapatid si Bernard ng Obstetrician n'ya doon na kalauna'y naging boss n'ya rin dahil nagtrabaho s'ya doon bilang isang medical assistant sa clinic ni Dra. Brenda, Bernard's elder sister. Ngunit hanggang ngayon nga'y hindi pa rin s'ya nagpapasya na sumaila

