Kabanata 29 UMALINGAWNGAW na naman ang tunog ng basag na baso sa silid na iyon. Pangatlong baso na iyon na binasag ni Patrice dahil sa sobrang inis. Kahit tunggain pa n'ya ang lahat ng laman ng bote ng alak o basagin man n'ya ang lahat ng gamit sa bahay na iyon ay hindi pa rin maaapula ang galit, takot at pangamba sa sistema n'ya. Alam na alam n'yang nalalapit na ang katapusan n'ya at ng kanyang kalaguyo na si Julius Mercado. "Peste! Itigil mo na 'yang pagkakalat mo rito, Trice. Hindi masasagot ng pag-i-isteriko mo ang problema natin. Ba't kasi naging pabaya ka?" Igting ang panga ni Julius habang pinapapak n'ya ang nangangalahating sigarilyo. "Stupid! Hindi ako naging pabaya at huwag na huwag mong ibabaling sa akin ang sisi. Punyeta! Kasalanan ko ba kung naging tuso na iyong letseng p

