"Wow!" Bulalas iyon ng dalawang bata habang tanaw ang malawak na resort na pagmamay ari ni Jaycee sa probinsya ng Laguna. Nakatanaw sina Ivan at Bella mula sa bintana ng kwarto ng hotel na tinutuluyan nila. "Ang ganda dito sa resort 'no?" ani Blessa kay Kira habang inaayos sa cabinet ang mga gamit ng dalawang bata. "Hoy!" "Ha?" Baling ni Kira dito. "May sinasabi ka?" "May problema ka ba?" nag aalalang tanong niya sa kaibigan. Naupo si Kira sa kama at pabagsak na nahiga roon. Kunut ang noo at diretso ang tingin sa kisame. "Ano'ng problema?" usisa ni Blessa. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Kira at namasa ang mga mata sa luha. "Kira?" tawag ni Blessa habang may pag aalala sa boses. "Kung ano man 'yang problema mo handa akong makinig," aniya pa. "Hindi na matutuloy

