"ILAGAY mo sa bandang gitna 'yun mga kulay pulang lobo" utos niya kay Reese na naka-assign sa paglagay ng balloons sa kisame. Matalim naman ito tumingin sa kanya. "Pa-prangkahin na kita, Miranda. May effort at service fee ako rito, kaya lakasan mo lang pang-uutos mo!" inis na wika ni Reese. Umingos siya. Napasulyap siya kay Marshall na nagdidikit ng letters sa pader at si Twix na naglalagay ng mga bulaklak sa gilid..naglagay na rin ito ng mga petals sa kama. Rose petals. "Ikaw, demonyo ka? Wala ka naman ginagawa, bakit sumama ka pa rito?" paasik niya tanong kay Zeki na nakaupo lang sa gilid at naglalaro ng wild rift sa cellphone nito. "Moral support, gago!" sigaw naman ni Zeki ni hindi man lang tumingin sa kanya. Busy pa rin sa paglalaro. Napapailing na lang siya. Naisip na niya

