Panay ang kutkot ni Faith ng kuko sa kamay habang palinga-linga sa paligid. Kaninang pumasok siya ay punong-puno ng kaba ang dibdib niya dahil alam niyang susulpot na naman sa harap niya ang binata. Iniwasan na rin niya ang hagdan kung saan ito dumadaan. "Hutaena! Para akong kriminal na may pinagtataguan." Bulong niya habang papunta sa gate. Humigpit din ang hawak niya sa dalawang libro na hawak na hiniram niya lang sa library. Sana naman hindi na siya pumasok... sana naman please.... Halos mapangiti na siya nang makatapak na siya sa labas ng malaking gate nang walang tumatawag sa pangalan niya. Aym free!!' "Saan ka naman pupunta?" Natigilan siya sa paglalakad at dahil nakayuko siya ay kita niya ang dalawang pares ng paa sa harap niya. Kilala niya ang may-ari ng sapatos na 'yon. P

