DARK NIGHT SEVENTEEN

3550 Words
(Last Chapter) MARAHANG inimulat ni Angel ang mga mata niya. Puting kisame ang bumungad sa kanya. May nararamdaman din siyang sakit sa katawan. Napatingin siya sa kanyang pulso. May nakita siyang nakaturok doon. Kung ganoon ay nasa ospital siya. Ano ba kasing nangyari at napunta siya doon? Inilala niya ang nangyari ng nagdaang gabi. Mariin siyang napapikit ng maalala kung anong nangyari sa pagitan nila ni Sancho. "Buti at gising ka na. Pinag-alala mo kaming lahat." Napatingin siyasa kaliwang bahagi. Naruruon si Sancho at nakatingin sa kanya. May nakita siyang lungkot sa mga mata nito. Malungkot ba ito dahil sa balak na naman niyang iwan ito? Ayaw ba nitong lumayo siya dito? May pag-ibig na ba ito sa kanya? Tumayo si Sancho ng makitang pinipilit niyang bumangon. Agad siya nitong inalalayan na maka-upo sa kama. "I call the doctor." Ani nito pagkatapos siyang tulungan. Bago pa ito makalayo sa kanya ay hinawakan niya ito sa braso. Napatingin sa kanya si Sancho. Malungkot niyang tinitigan ang mga mata ng binata. "I'm sorry." Tanging nasabi niya rito. Gumuhit naman ang guilty sa mga mata ng binata. "Let's talk later. Tatawagin ko lang ang doctor para matingnan ka niya at si baby." Nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang huling kataga na sinabi nito. Alam na nito ang tungkol sa pinagbubuntis niya. Bakit ba siya nagugulat? Narutal, pakatapos niyang mahimatay ay siguradong nagtaka ang binata. Nalaman panigurado nito sa doctor na sumuri sa kanya. Now, she feels guiltier. Nagdesisyon na naman siya ng hindi inaalam ang nais nito. Sarili na naman niya ang inisip. Natakot na naman siyang malaman ang reaksyon nito kapag nalaman na buntis siya. Pagbalik ni Sancho sa kwarto niya ay kasama na nito ang doctor. May tinanong sa kanya ang doctor patungkol sa pinagbubuntis niya. Sinagot naman niya iyon. Nanatili naman nakamasid sa kanila si Sancho. Walang emosyon ang mga mata at mukha nito. Alam niyang maraming tumatakbong katanungan sa isipan nito. Mukhang wala na talaga siyang kawala dito. Ito na ba ang pagkakataon niya na sabihin ang lahat ng tungkol sa kanya. May sinabi ang doctor sa kanya patungkol sa pagbubuntis niya bago sila iniwan dalawa. Napuno ng katahimikan ang apat na sulok ng kwarto ng makalabas ang doctor. Walang nais na magsalita sa kanilang dalawa ni Sancho. Nanatili naman siyang nakayuko. Natatakot siyang tumingin kay Sancho at makita sa mukha nito ang pagsumbat sa maling desisyon na ginawa niya dahil kung hindi siya umalis ng umagang iyon naging iba sana ang takbo ng kwento nila. Kung hindi sana niya itinago dito ang pagbubuntis niya ay hindi niya mararanasan ang lahat ng naranasan noon. Nangako itong aalagaan siya nito, hindi ba? Oo nakalimutan niya ang nangyari ng gabing iyon ngunit hindi ang pangako nito sa kanya. Madalas niya iyong napapaginipan. Natigil ang mahabang pag-iisip niya ng maramdamang may umupo sa kama niya at may humawak sa kanyang kamay. Napaangat siya ng mukha at nakita niya ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ni Sancho. "S-Sancho..." nilukob ng pagtataka ang puso niya ngunit naroroon ang pag-aalala. "I'm sorry." Yumuko si Sancho at malakas na umiyak. "Patawarin mo ako, Angel. Patawarin mo ako sa mga ginawa ko." "Sancho, anong sinasabi mo?" hinawakan niya ang buhok nito. "Wala akong ibinigay sa iyo kung hindi sakit at pighati. Sinaktan kita at hinayaan magdusa habang ako nasa U.S at masaya kasama ang mga nakilalang kaibigan ko doon. Marami kang pinagdaanan dahil sa akin. Nasaktan ka sa ginawa ng iyong ama, hindi lang physical kung hindi na din emosyonal. I'm so sorry, Angel. I didn't keep my promise that night. Hindi kita masisisi kung muli mo akong iwan ngayon." "P-paano mo nalaman ang tungkol sa ama ko?" may mga luhang pumatak sa mga mata niya. Muli niyang nararamdaman ang sakit ng maalala kung paano siya pinagbuhatan ng kamay ng ama. Napakasakit noon. Sobrang sakit na hinihiling niyang sana ay hindi na siya nabuhay ngunit nalampasan niya iyon kasama ang anak niya. "Nalaman ko sa kinilalang ama mo. Ngayon ay mas naiintindihan ko na ang lahat. Kung bakit nais akong patayin ng iyong ama. I did wrong to you, Angel. I make you suffer. You almost lost everything in your life. Nasa kulungan ang ama mo dahil sa ginawa ko sa iyo ng gabing iyon. Kung naging mas responsible lang sana ako sa mga nangyari. Kung mas pinili kong manatili ng bansa at hinanap ka, hindi ka sana nagdusa ng ganoon. Hindi sana nakulong ang ama mo at hindi mo naranasan lahat ng masasakit na bagay na iyon. Hindi---" Hindi na natapos ni Sancho ang iba pa nitong sasabihin ng inilapat niya ang labi dito. Habang naririnig niya ang sinasabi nito at may bahid ng pagsisisi ang boses nito ay nasasaktan ang puso niya. Sinasakal ang puso niya sa bawat katagang lumalabas sa labi nito. Walang kahit sino sa kanila ang ginusto ang nangyari. Oo nga at nagdusa siya ng lubos sa mga nangyari ngunit anong magagawa ng pagbubuntong niya ng sisi dito. Ngayon niya lubos naisip na hindi lang din kasalanan ni Sancho ang nangyari kung hindi din siya. She makes a mistake that night by giving herself to Sancho. Nasa impluwensya man siya ng alak o hindi, may kasalanan siya. Iginalaw niya ang labi para mas mapalalim pa ang halik na pinagsasaluhan nila ni Sancho. Nais niyang ipadama sa binata na ayos lang ang lahat. Hindi na siya galit dito. Nang makasama niya ito sa isang bubong ay mas nakilala niya ito. Sancho is a great father and a great husband. Maalaga ito at mapagmahal. Sa maikling sandaling nakasama niya ito ay nakita niya kung gaano nito kamahal si Aldin, kung paano nito ibigay ang lahat sa anak nila. At kahit siya ay iningatan nito. Ipinadama nito sa kanya na masasandalan niya ito. "Don't feel sorry, Sancho." Bulong niya ng maghiwalay ang mga labi nila. "May kasalanan din naman ako. Nagpa-ubaya ako ng gabing iyon sa iyo. Gumising ako ng umagang iyon na mukha mo ang bumungad sa akin. Alam kung ikaw ang nakasama ko ng gabing iyon ngunit hindi ako lumapit sa iyo ng malaman kong buntis ako. Alam kong mapapabuti sa iyo ang bata at alam kung hindi mo ako pababayaan ngunit hindi ko ginawa. Kasalanan ko din naman ang lahat. Hindi lang ikaw ang may kasalanan, Sancho. Kaya sana kalimutan na natin ang lahat. Maari ba nating kalimutan ang madilim nating kahapon na iyon?" walang pagtigil ang pagpatak ng kanyang mga luha. "Angel..." marahang pinunasan ni Sancho ang mga luha niya. "Let's start a new, Sancho. You, me and Aldin." Napatingin siya sa kanyang sinapupunan. "At ang magiging baby natin." Napatingin din sa kanyang sinapupunan si Sancho. "I'm going to be a father again." Basag ang boses na sabi ng binata. Hinawakan niya ang kamay nito at inilagay sa kanyang tiyan. "Patawarin mo ako, Sancho kung binalak ko ulit iwan ka. Natakot kasi ako. Natakot akong baka ayaw mo na magkaanak tayo. Magulo pa kasi ang relasyon natin. Hindi ko alam kung ano ba talaga tayo. Kung saan ba ako---" Hindi na natapos ni Angel ang iba pangsasabihin ng mapusok siyang hinalikan ni Sancho. Puno ng pagsuyo ang halik nito. Pinapadama sa kanya ni Sancho kung gaano siya kahalaga dito. At kagaya ng laging nangyayari kapag naglapat ang labi nito sa labi niya ay nakakalimutan niya ang lahat sa paligid niya. Ang tanging mahalaga lang sa kanya ay ang halik na pinasasaluhan nila. PABABA ng koste si Angel. Inaalalalyan siya ni Sancho na makababa. Kalalabas lang niya ng hospital at kasama nila ng mga sandaling iyon ang ina't ama niya. Hindi niya akalain na luluwas ng Manila ang kinalakhang magulang niya. Masaya siyang makita ang mga ito na nandoon para makasama siya. Alam na rin ng mga ito na nagdadalang tao siya sa pangalawang anak nila ni Sancho. Nakikita niya ang galit na tinging pinupukol ng kanyang ama kay Sancho ngunit binabaliwala lang ng binata. "Anak, gusto mo bang sa probinsya na lang habang nagdadalang tao? Mas maganda sa atin dahil mas sariwa ang hangin doon." Tanong ng kanyang ama. Lumingon siya sa kanyang ama. Nakita niyang nakatingin ito kay Sancho. Naghahamon ang tingin nito. Napangiti siya dahil sa ginagawa ng ama. Alam niyang nais lang siya nitong protektahan. Sinisisi pa rin ito si Sancho sa mga nangyari sa kanya ngunit wala itong nagawa ng siya ang nagdesisyon na sumama kay Sancho sa Manila. Nirerespeto ng mga ito bawat desisyon niya. "Itay, sinabi ko na po sa inyo. Nais kong makasama si Sancho habang pinagbubuntis ko ang pangalawang anak namin. Sana hayaan niyo po kami." Nakita niyang sumilay ang isang ngiti sa labi ni Sancho dahil sa sinabi niya. Napailing na lang siya at naglakad na papasok ng bahay. Isang araw lang naman siya sa ospital at nais pa niyang magpahinga pa. Sa bahay ng mga magulang ni Sancho muna siya habang nagdadalang tao. Mas maganda daw na may kasama siya sa bahay habang nasa ganoong sitwasyon siya lalo pa nga at masilan ang kanyang pagbubuntis. Nagulat siya ng biglang may narinig na tutog ng pumasok siya sa bahay ng mga Lim. Napatingin siya sa may hagdan at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang isang lalaki na kilalang-kilala niya. Ang tinitilian ngayon ng mga kabataan. Si Louis Tolentino. Kumakanta ito sa gitna ng hagdan at may lalaking nasa tabi nito na naggigitara. Alam niya ang kantang kinakanta nito. Hindi niya napigilan ang isang ngiti na sumilay sa kanyang labi habang pinapakinggan ang pagkanta ni Louis. When I look into your eyes It's like watching the night sky Or a beautiful sunrise Well, there's so much they hold And just like them old stars I see that you've come so far To be right where you are How old is your soul? Pumasok ng bahay ang kanyang mga magulang at ganoon din ang mga magulang ni Sancho. Lahat sila ay napangiti ng makita kung sino ang lalaking umaawit ngayon sa harap nila. Lalo siyang napangiti ng makita ang anak na lumabas sa isang pinto na naruruon. Nakasuot ito ng puting damit at may hawak na bulaklak. Naiiyak na lumapit siya kay Aldin. Niyakap niya agad ang anak. Well, I won't give up on us Even if the skies get rough I'm giving you all my love I'm still looking up And when you're needing your space To do some navigating I'll be here patiently waiting To see what you find 'Cause even the stars they burn Some even fall to the earth We've got a lot to learn God knows we're worth it No, I won't give up "Welcome back, mommy." Sabi ng anak niya. Nangilid ang luha niya. Magiging maayos na din ang lahat sa buhay niya ngayong nakapag-usap na sila ni Sancho. Alam niyang darating din ang araw na masasabi niya sa binata ang nararamdaman na hindi natatakot na mawawala ito sa kanya. I don't wanna be someone who walks away so easily I'm here to stay and make the difference that I can make Our differences they do a lot to teach us how to use The tools and gifts we got, yeah, we got a lot at stake And in the end, you're still my friend at least we did intend For us to work we didn't break, we didn't burn We had to learn how to bend without the world caving in I had to learn what I've got, and what I'm not And who I am Inalis niya ang braso ng marinig ang boses na iyon na kumanta. Hindi siya maaring magkamali. Boses iyon ni Sancho. Napatingin siya sa gitna ng hagdan. Wala na doon si Louis at ang isa pang lalaki. Kinalabit siya ng anak kaya napatingin siya dito. Nakangiting itinuro nito ang likuran niya. Napalingon naman siya. At isang malakas na singhap ang namutawi sa kanya ng makita ang lalaking nagpapatibok sa kanyang puso na nakaluhod at may hawak na microphone. I won't give up on us Even if the skies get rough I'm giving you all my love I'm still looking up, I'm still looking up Sancho keeps on singing while looking at her eyes. Puno ng emosyon ang mga mata nito. Naruruon ang isang emosyon na kilalang kilala niya. Love. There's love at his eyes. Puno ng pagmamahal ang mga tingin nito sa kanya at humahaplos iyon sa puso niya. Hindi napigilan ng mga luha niyang pumatak. Sancho is so sweet. At sa ginagawa nito ay hindi mapigilan ng kanyang puso na umasa dito. Well, I won't give up on us (no I'm not giving up) God knows I'm tough, he knows (I am tough, I am loved) We got a lot to learn (we're alive, we are loved) God knows we're worth it (and we're worth it) I won't give up on us Even if the skies get rough I'm giving you all my love I'm still looking up After the last words, Sancho took something at his pocket. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang bagay na iyon sa kanyang harapan. Napahawak siya sa mga labi at walang tigil sa pag-iyak. "Angel Fatima Cruz, alam ko na sobra kitang nagulat pero ayaw ko ng palampasin ang mga araw na alam kung hindi ka pa talaga akin. Kaya naman heto ako ngayon nakaluhod sa harap mo at ng pamilya natin. Let me do the right thing this time." Ngumiti si Sancho sa kanya at kinuha ang bagay na iyon. "Angel, my angel, will you spend all your morning, night and day with me starting from now on? Will you let me be your happy ever after? Will you marry me?" "Sancho..." tanging nasabi niya. Hindi siya makapagsalita. Sobrang naguguluhan siya ng mga sandaling iyon. Umiling siya pagkalipas ng ilang sandali. Nakita niya ang pagkabigo at sakit sa mga mata ni Sancho. "I'm sorry." Mukhang hindi naman inaasahan ni Sancho ang sagot niya dahil kitang-kita niya sa mukha nito ang pagkagulat. Pighati, kabiguan, sakit at gulat ang nababasa niya sa mga mata nito. Lalampasan niya na sana ang binata dahil hindi niya kayang makita ang binata sa ganoong sitwasyon. Ngunit hindi niya kaya pa ang mga pakasal dito lalo na at hindi niya pa alam kung may pagtingin ba talaga ito sa kanya. Hindi niya yata kayang ikulong ang binata sa isang kasal na walang pagmamahalan. Ayaw niyang itali ang binata sa kanya dahil sa may responsibilidad ito sa kanya. Bago pa niya iwan doon si Sancho ay agad siya nitong pinigilan sa kanyang braso. "Bakit? Bakit di mo ako kayang pakasalan?" basag ang boses na tanong ni Sancho. Hindi siya agad nakasagot. Paano niya ba sasagutin ang binata? Magtatapat na ba siya ng nararamdaman dito. "Damn it, Angel. Anong mali sa akin para hindi mo ako pakasalan? Hindi pa rin ba sapat ang mga ginawa at pinapakita ko sa iyo para maging karapat dapat akong maging ama ng mga anak natin. Hindi pa ba sapat ang mga pinakita kong pagmamahal sa iyo para maging akin ka? Hindi mo pa rin ba ako mahal? Wala pa rin ba akong puwang sa puso mo?" puno ng pait at pighati ang bawat katanungan ni Sancho. Para naman tinusok ang puso niya sa mga katanungan nito. Mas lalo siyang naiyak sa tanong nito. Hinawakan ni Sancho ang kanyang balikat at iniharap siya rito. Nagtagpo ang mga tingin nilang dalawa ngunit natigilan siya ng makita ang mga mata nito. Puno ng mga luha ang mga mata nito. Sancho is crying in front of her because she rejected his proposal. Bakit nagkakaganito ang binata? "Sagutin mo ako, Angel. May kulang pa ba sa akin para hindi mo ako mahalin?" Hindi siya nakasagot. Bugkus ay iniangat niya ang isang kamay at hinaplos ang pisngi nito na puno ng mga luhang dumaloy mula sa mga mata nito. Pakiramdam niya ay may  tumarak na patalim sa puso niya habang nakikita ang mga luha nito. "I'm sorry." "Damn it, Angel. Akala ko ay nakapasok na ako sa puso mo. Naglakas loob akong magyaya ng kasal sa iyo dahil akala ko ay may pag---" Hindi na natapos ni Sancho ang iba pa nitong sasabihin ng sinakop niya ang mga labi nito. Narinig niya ang malakas na pagsinghap ng mga taong nanood sa kanila ngunit wala siyang paki-alam. Nais niyang pawiin ang sakit na nararamdaman ni Sancho. Ngayon ay nasisigurado niya na ang lahat. Sancho... Sancho loves her. Hindi ito iiyak kung hindi siya nito mahal. Hindi ito masasaktan ng ganoon kung hindi siya nito mahal. Inilayo niya ang kanyang mga labi sa binata. Nais niyang matawa ng makita ang mukha nitong gulat na gulat sa ginawa niyang paghalik dito. "Mahal na mahal kita, Sancho. Gusto kitang pakasalan ngunit---" "Mahal mo ako?" tanong ni Sancho na pumutol sa iba pa niyang sasabihin. Napangiti siya dahil mukhang hindi pa pumapasok sa isipan ng binata ang mga nangyayari. Mukhang nabigla niya ito sa ginawa at sinabi niya. Her smile turn into a chuckle when Sancho suddenly collapse. Hindi naman ito nahimatay. Napaupo lang naman ito sa sahig habang parang wala sa katinuan na ngumingiti. "Oh my god! She loves me. Mahal din niya ako." Narinig niyang bulong nito. Tutulungan na sana niyang makatayo ang binata ng bigla na lang itong tumayo at sinugod siya ng yakap. Tumatawa na ito na ipinagtataka niya. "You love me!!! Mahal mo din ako." Pa-ulit ulit itong bulong. "Yes! Sancho, mahal din kita ngunit..." Hindi matapos ni Angel ang ibang sasabihin ng bigla nalang sinakop ni Sancho ang mga labi niya at ng pakawalan nito ang kanyang mga labi. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ng binata. "I love you too, Angel. Mahal na kita noon pa. Noong una kitang nakitang nagbabasa sa puno ng mahugane sa paaralan natin. Akala kong sinong angel ang nakita ko. Napakatahimik mo noon at wala kang kaibigan kaya naman na curious ako sa iyo. Nasa huling taon na ako noon at noon lang din may babaeng pumukaw ng aking atensyon. Hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ka nasilayan. Oo, aaminin ko, ang torpe ko noon dahil hindi kita kayang lapitan ngunit alam kong iyon ang tama. Second year ka palang noon at alam kong may nais ka pang marating sa buhay. Masaya na akong makita ka sa malayuan. Nang magtapos ako ay inalam ko ang schedule mo at lagi kitang inaabangan sa gate. Ginawa ko iyon hanggang sa huling taon mo sa kolehiyo, naging kontento ako sa takaw tingin sa iyo. And that night of your graduation party, I didn't expect you to be there at King's bar. Lalo akong nagulat ng makita kong tinanggap mo ang alak na inialok sa iyo. Alam kong iniiisip mo na hindi sadya ang pagkakabangga mo sa akin ng gabing iyon ngunit nagkakamali ka Angel. Sinadya kong magpabangga ng gabing iyon para na maalalayan ka ng gabing iyon. Ang hindi ko lang inaasahan ay ang halik na pinagsaluhan natin at ang kaalaman na nasa impluwensya ka ng druga." Ngumiti si Sancho at hinaplos ang kanyang pisngi para punasan ang mga luhang dumaloy doon. "I love you so much, Angel. Noon, at pa hanggang ngayon." "Sancho!!!" tanging nasabi niya at niyakap ang binata. "Itama natin ang lahat, aking angel." Inilayo ni Sancho ang katawan sa kanya. "Paari mo bang pakasalan ang lalaking noon pa man ay minamahal ka na? Maari mo ba akong pakasalan, aking angel?" Tumungo siya at muling niyakap si Sancho. "Oo, Sancho. Pakakasalan kita kahit saang simbahan pa. Mahal na mahal din kita." Humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Sancho. Naramdaman niyang hinalikan siya nito sa kanyang buhok at binulungan siya ng isang salita na sobrang nagpasaya sa puso niya. "Sa kasal natin, ang ama mo at ang totoong ama mo ang maghahatid sa iyo sa altar. Pangako ko iyan sa iyo, aking angel. Makakasama mo ang totoong ama mo sa araw ng kasal natin." Lalong bumuhos ang mga luha niya dahil sa pangako nito. Alam niyang tutuparn ni Sancho ang pangako nito sa kanya. Aasahan niyang gagawin nito ang lahat sa kanya. Sa pagkakataong ito alam niyang kakapitan niya ang pangako ng binata. Hindi na niya kailanman bibitiwan pa ito. Haharapin na nilang dalawa ang lahat ng pagsubok na magkahawak kamay. Sa wakas ay hawak kamay na niya ang taong minamahal niya. Ang taong pinag-alayan niya ng lahat-lahat sa kanya. Hidni man kagaya ng mala-fairly tale ang kwento ng buhay niya. Sinubok man siya sa buhay pero heto pa rin siya at nakatayo. At nagpapasalamat siya sa taong minamahal niya dahil muli itong bumalik para makasama siya. Nagpapasalamat siya at si Sancho ang lalaking nakasama niya ng gabing iyon. Para sa kanya ay hindi pa rin siya pinabayaan ng gabing iyon. Sa tamang lalaki pa rin siya napunta. At sana ganoon din ang nangyari sa babaeng tanging naging kaibigan niya. Alam niyang kagaya niya ay nabiktima din siya ng gabing iyon. Sana ay nasa maayos itong kalagayan. 'Anna, nasaan ka na kaya ngayon?' natanong ni Angel sa kanyang isipan. Naputol ang kanyang alaala ng halikan ni Sancho ang kanyang mga labi. Hindi niya napigilan ang isang ngiti. Napakasarap sa pakiramdam na makulong sa bisig ng taong minamahal. Nakakalimutan niya ang ibang bagay. Lalong nilukob ng saya ang puso niya ng maramdaman ang bagay na isinuot ni Sancho sa kanyang daliri. Magiging 'MRS. SANCHO JAMES LIM' na rin siya. Magiging kabiyak na din siya sa wakas ng taong mahal. ____END___
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD