SUMASAKIT ang likod ni Sancho dahil sa pagbubuhat ng sako-sakong gulay. Isang linggo na siya sa bahay ng dalaga. At sa loob ng dalawang linggo ay naging maayos na din ang pakikitungo ng ama at kapatid ni Angel sa kanya. Sinasamahan niya ang mag-ama sa palengke na magbinta at magbuhat ng paninda. Napakasimple ng buhay ng mga ito sa probinsya. Buong araw na sa palengke ang ama ni Angel at uuwi ito ng bandang ala-singko ng hapon. Sabay-sabay silang kumakain ng hapunan. Angel's family is what he wanted. His parents are not often at their house. Madalas ay nasa ibang bansa ang mga ito. Kagaya na lang nga sandaling iyon. Alam niya ay nasa Paris ang ama kasama ang ina para asikasuhin ang negosyo ng ina doon na balak ng ibinta.
"How's your back?" may pag-aalalang tanong sa kanya ni Angel na umupo sa tabi niya.
Nasa labas silang dalawa ng bahay. Tumingin siya sa dalaga at binigyan ito ng ngiti. "I'm good.
"Hindi ka pa ba hinahanap sa opisina?" umiwas ng tingin si Angel.
Nakatingin ang dalaga sa malawak na bakuran ng bahay ng mga ito. Kinuha niya ang kapeng inilapag nito. Sa tuwing uuwi siya galing ng palengke ay pinagtitimpla siya ng dalaga ng kape. He found the gesture sweet and caring. Nabuhay ang pag-asa niyang sasama sa kanya ang dalaga ngunit habang lumilipas ang araw na wala pa ring desisyon mula sa dalaga ay nais niyang matakot. Natatakot siyang iwan ang dalaga at makahanap ito ng taong mamahalin nito. Hindi niya yata kakayanin kapag napunta ang dalaga sa ibang lalaki.
"Si Joshua muna ang namamahala doon. Sa ngayon ay maayos naman ang kompanya."
"Ganoon ba."
Namayani ang katahimikan sa pagitan nila ni Angel. Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito. Tumingin naman sa kanya ang dalaga.
"Pinag-iisipan mo pa rin ba ang offer ko sa iyo?"
Bigla ay nag-iwas ang dalaga sa kanya.
"Angel..."
"Pinag-iisipan ko pa, Sancho. Oo, gusto kong bigyan ng buong pamilya si Aldin. Alam kong sobrang saya ng anak ko ngayong nakasama ka niya at sobrang bait mo sa kanya ngunit hanggang kailan? Hanggang kailan kami sa poder mo?" may lungkot sa boses ni Angel. "Paano si Cathy? Paano kapag nagpakasal kayo? Ayaw kong masanay ang anak kong kasama ka at sa huli ay iiwan mo din kami. Ayaw kong---"
"It won't happen." Putol niya sa iba pang sasabihin nito. Hinawakan niya ang mukha ng dalaga at iniharap sa kanya.
May nagbabantang luha sa mga mata nito. Bigla ay nakaramdam siya ng kurot sa puso. Naninikip ang dibdib niya kapag nakatingin sa magandang mata ni Angel na puno ng lungkot at sakit. Masuyo niyang dinama ang mukha ng dalaga. Inilapit niya ang noo nito sa kanya.
"Hindi ko kayo iiwan ni Aldin. Pangako ko sa iyo, Angel, iingatan at aalalagaan ko kayo ng anak natin."
"Paano kapag magalit ang ama mo? Paano kung---"
"I told you. Walang kahit sinong magpapalayo sa inyo ni Aldin sa akin. Kung kinailangan na iwan ko ang buhay ko ngayon para sa inyo ay gagawin ko. Sa loob ng isang linggo na nakasama ko kayo ng anak natin ay walang pagsidhan ang kaligayahan sa puso ko. Kayo ni Aldin ang nagbigay ng bagong ligaya sa buhay ko. Kaya hindi ako makakapayag na may kumuha noon. Sumama ka na sa akin Angel pabalik ng Manila. Sisiguraduhin ko na walang kahit sino ang makakapanakit sa iyo at kay Aldin." Hinalikan niya sa noo si Angel.
"Sancho...."
"Trust me. I will keep my promise this time. Alam kong may mali ako ng gabing iyon dahil hindi kita hinanap pagkatapos noon kaya sana hayaan mong gawin ko ang tama ngayon. I really wanted to be with you and Aldin, sana hayaan mo ako." Muli niya itong hinalikan sa noo.
"Sancho." Nagpantay ang mukha nila ni Angel at sinalubong nito ang kanyang mga tingin. "I co---"
Naputol ang iba pa niyang sasabihin ng tumunog ang phone niya. Sabay silang napatingin ni Angel doon. Binitawan niya ang dalaga at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nagsalubong ang kilay niya ng mabasa ang pangalan ng kapatid. Papatayin na sana niya iyon dahil nag-uusap sila ni Angel ng kunin iyon ng dalaga at sinagot.
"Joshua? Yes! It's me. I'm fine. I wanted to talk to you. Yes! I need you."
May kumurot sa puso niya dahil sa narinig. Ganoon ba kahalaga sa dalaga ang kapatid. Wala ba talaga itong paki-alam sa nararamdam niya. Napakuyom siya ng kamao dahil may namumuong selos sa puso niya habang nakikinig sa pag-uusap ng dalawa. He really hate his brothers for making him feels this way. He feel insecure, and worthless. Habang nakatingin sa ngiti ng dalaga alam niyang hinding-hindi siya ang magiging dahilan ng ngiting iyon. Bago pa siya tuluyang magalit at magwala doon ay tumayo siya. Aalis na sana siya ng hawakan ni Angel ang braso niya. May dumaloy na kakaibang kuryente sa katawan niya. Napatingin siya sa kamay ng dalaga na nakahawak sa kanya. Mukhang napansin din nito ang pagkagulat niya dahil agad nitong binitiwan ang braso niya.
"Joshua wants to talk to you." Iniabot nito ang phone sa kanya.
Natauhan naman siya at inis na hinablot ang phone dito. Lumayo muna siya ng bahagya sa dalaga bago sinagot ang kapatid.
"Give me a reason not to kill you when I get back in Manila?" galit niyang tanong.
Tumawa ang kapatid niya. "Jealous? You should be, Kuya because King told me something yesterday."
"What is it?" Muling tumawa ang kapatid na ikinagalit niya. "If you won't tell me right now, I will----"
"Angel had a crush on me during our college days."
Bigla ay nandilim ang paningin niya sa sinabi ng kapatid. Humigpit ang hawak niya sa phone at tinapon iyon sa puno. "f**k you!!!" sigaw niya
Nakita niyang nagkahiwalay-hiwalay ang phone niya. Basag din ang screen niyon ngunit wala siyang paki-alam. He is mad. Kaya ba ganoon na lang kung ngumiti ang dalaga sa kapatid niya dahil noon pa man ay gusto na nito ang kapatid niya. Jealous creep him out. Binabalot ng galit ang puso niya at alam niyang kailangan niya iyong mailabas. Lumapit siya sa puno at sinuntok iyon. Sa lahat ba ng lalaking pwede niyang maging karibal ay ang kapatid niya pa.
Sinuntok niya ng sinuntok ang puno. Wala siyang paki-alam kahit may nararamdaman na siyang p*******t at hapdi doon. He wants to release the madness inside of him. Galit na galit siya hindi sa kapitid o kay Angel kung hindi sa sitwasyong meron siya. Mahal niya ang dalaga noon pa man pero may mahal na itong iba. Kung sakali bang walang nangyari sa kanila noon ay sa kapatid niya ito napunta. The way Angel smiles toward his brother is different, that's why he keeps on jealous. May rason naman pala para makaramdam siya ng ganoon. Angel likes his brother. Anong meron sa kapatid niya para magustuhan nito?
"Sancho!!!" sigaw ni Angel na pumukaw sa nandidilim niyang isipan.
Lumapit si Angel at hinawakan ang kamay na sinusuntok. Nakita ang pagkagulat at pag-aalala sa mga mata nito habang mataman na nakatingin sa kanyang kamay na dumurugo.
"What the hell are you doing?" hinila siya nito papasok ng bahay ngunit bago pa sila tuluyan makapasok sa loob ay binawi niya ang kamay dito.
Nilingon siya ni Angel na puno ng pagtataka ang mga mata.
"I can take care of my wounds." Malamig niyang turan. Tatalikuran na sana niya ang dalaga ng galit nitong kinuha ang kamay niya.
"Oh! Shout up!!!" sigaw nito at hinila ulit siya.
Pumasok siya sa bahay at dumaresto sa kusina. Pinaupo siya nito sa upuan sa hapag-kainin. Galit siyang tinitigan ng dalaga bago ito kumuha ng gamot para sa sugat niya.
Sinundan niya ng tingin ang dalaga. Nais niyang matuwa sa pinapakitang pag-aalala at pag-aasikaso sa kanya ng dalaga ngunit hindi iyon magawa ng puso niya. Hindi maalis ang sakit na nararamdaman niya dahil sa katotohanan na hindi siya matutunan na mahalin ng dalaga. Paano niya ito mapapa-ibig kung laging nasa tabi nito ang kapatid niya? Ang higpit ng karibal niya. Alam niyang may mahal na ang kapatid niya ngunit ganoon ay hindi niya pa rin maiwasan magselos at mag-alala dahil maari itong magkagusto kay Angel lalo na madalas na magka-usap ang dalawa.
"Itay, anong nangyari sa kamay mo?" tanong ni Aldin na nagpagising sa kanya.
Napatingin siya sa anak na ngayon ay nakatingin na sa kanyang sugat. Agad niyang itinago ang kamay sa bata. His son shouldn't see him like that. Ayaw niyang makita siya nitong mahina dahil sa ina nito. Umangat ng tingin ang anak at may pag-alala sa mga mata nito. Bigla ay nawala ang bigat sa puso niya. Seeing his son making him feel that he wants to be a better man. Ginulo niya ang buhok nito at nginitian.
"Wala ito anak."
"Sigurado kayo, Itay. Dumurugo po siya. Masakit po iyan." May ipinakitang pilat ang anak sa braso. "Hinabol po ako ng aso kaya nagkaroon ako ng sugat dito. Masakit po at maraming dugo. Iyak ako ng iyak habang ginagamot ni Lola ang sugat ko."
Napangiti siya dahil sa pagkekwento ng anak. Hindi niya akalain na matalas na itong magsalita sa mura nitong edad. Ang sabi ng lola nito ay namana ni Aldin ang talino nito kay Angel. Na agad niyang sinang-ayunan.
"Aldin..." sabay silang napatingin ng anak kay Angel ng umupo ito malapit sa kanila habang may hawak na medicine kit. "Doon ka muna sa Tito Andrew mo. Gagamutin ko muna ang sugat ng Daddy mo."
"Pero Inay, gusto ko maki...."
"Tumigil ka, Aldin. Di ba ang sabi ko sa iyo masyado ka pang bata para makita ang mga ganitong bagay."
Sumimangot ang bata at yumuko. Alam niyang malungkot ito. Ginulo niya ang buhok ng bata na ikinaangat nito ng mukha. Ngumiti siya sa anak. "Sa susunod na lang, anak."
"Sancho!" pinandilatan siya ni Angel.
Ngumiti ang anak sa kanya at hinalikan siya sa pisngi bago umalis na tumatakbo. Sinundan niya ng tingin ang anak ngunit agad din bumalik ang tingin kay Angel ng tumayo ito para lumipat sa upuang nasa harap niya. Nabasa niya ang galit sa mukha nito.
"He wants to be a doctor. Masaya siya kapag nakakakita ng taong nasusugatan o may sugat na ikinababahala namin lahat. Alam namin na hindi normal iyon sa isang batang kagaya niya kaya kung maari ay ayaw namin makakita siya ng taong nasusugatan."
Nabalot ng pag-alala ang puso niya. May mali sa anak niya at iyon ang pinapahiwatig ni Angel sa kanya. Hindi nga naman talaga normal sa isang bata ang ganoon. Inalala niya ang reaksyon nito kanina habang nakatingin sa kanyang sugat. May pag-alala sa mata nito at napansin niyang may kakaibang kislap din sa mga mata nito, hindi niya iyon pinansin dahil masyadong sumaya ang puso niya sa pag-aalala nito sa kanya.
"Kailan nag-umpisang maging ganoon si Aldin?" tanong niya.
Ginagamot na ni Angel ang sugat niya. Mahigpit nitong hawak ang kamay niya dahil sa tuwing inilalapat nito ang bulak na may panglinis ay na hihila niya ang kamay. Umangat ng mukha si Angel at napatingin sa kanyang mga mata. May nakita siyang galit sa mga mata nito.
"Nang araw na malaman ni Itay na ikaw ang ama ni Aldin. Inilihim ko sa aking ama ng halos apat taon na ikaw ang ama ni Aldin. Nalaman niya ang totoo ng minsan niyang makita ang larawan mo sa wallet ko, balak ko talagang sabihin kay Aldin na ikaw ang ama niya kapag nagka-isip siya at magsimulang magtanong sa akin. Tinanong niya ako kung sino ang nasa larawan, alam kong inisip niya na boyfriend kita, doon ko pinagtapat kay Itay ang totoo. Galit na galit si Itay. Pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko para sa kanila. Susugod siya sa kompanya para patayin ka ngunit hindi sinasadyang masugatan ni Itay ang sarili niya ng hawak nitong itak ng pigilan namin siya, lahat iyon nakita ni Aldin.
Simula noon nakikita namin siyang tinitigan ang sugat ng mga taong nasusugatan. Minsan ay iyong mga hayop na nasusugatan. May tuwa sa mata at mukha ng anak natin at hindi ito aalis sa harap ng taong nasugatan hanggang hindi tumitigil ang pagdugo o nagamot."
He was shock of everything he heard. Maraming pinagdaanan si Angel at ang pamilya nito dahil sa isang gabi ng pagkakamali nila. Nais niyang sisihin ang sarili dahil hindi niya hinanap ang dalaga. Kung sakali bang hinanap niya ito at hindi natuloy sa U.S ay nagbago ang takbo ng buhay nito at takbo ng kwento nila. Hinawakan niya ang pisngi ni Angel at puno ng suyong pinunasan ang luhang dumaloy doon.
"I'm sorry. Kasalanan ko ang lahat. Siguro kung hinanap kita noon ay hindi ka naghirap ng ganito. Hindi sana—"
"Stop it, Sancho." Tinabig ni Angel ang kamay niyang nakahawak sa pisngi nito. Pinusanan nito ang luhang lumandas sa pisngi nito. "Kahit naman sisihin mo ang sarili mo at ibaon mo ang isipan mo sa mga SANA na iyan ay hindi na magbabago pa ang nakaraan natin." Humarap muli sa kanya ang dalaga. "Tanging nais ko lang ngayon ay maging ama ka kay Sancho. My son is happy meeting you. Kahit kailan hindi ko nakita ang kasayahang iyon sa anak ko. Having you beside him makes him happy and different, different in a good way. Kaya sana wag mo siyang iiwan. Iyon lang ang hihingin ko sa iyo."
Ilang saglit siya napatulala bago niyakap ang dalaga. He happy to oblige whatever she asking. Buong puso niyang ibibigay lahat ng kailangan at nararapat para sa anak niya.
"I will give everything to Aldin. Just come to me in Manila. Mas maibibigay ko ang nais ng anak natin doon. I want him to have everything I can give to him in this world. Gusto ko siyang makasama araw-araw, Angel. Sana pagbigyan mo ako."
Hindi sumagot si Angel. Naramdaman niyang bahagya siyang itinulak nito. May mga luhang lumandas sa pisngi nito. She is not yet decided. Ganoon ba kahirap ibigay sa kanya ang nais niya. Bagsak ang balikat siyang lumayo sa dalaga. Bumuntong hininga siya.
"I will back to Manila next week. Kailangan na ako sa opisina. Sana bago dumating ang araw na iyon ay nakapagdesisyon ka na. Pagbigyan mo sana ako sa nais ko, Angel." Hindi umimik ang dalaga. Parang sinasakal naman ang puso niya dahil sa hindi nito pagsagot.
Alam niyang wala talagang pag-ibig na nararamdaman sa kanya ang dalaga. Wala na talagang pag-asa na maging kanya ito. Huminga siya ng malalim para tanggalin ang sakit na nararamdaman sa puso ngunit hindi naman iyon nawala.
"Thank you for taking care of my wounds. Sa labas lang ako." Hahakbang na sana siya para umalis ng hawakan ni Angel ang kanyang braso. Napatingin siya sa dalaga.
Nanatili itong nakayuko. Humihigpit ang hawak nito sa braso niya. "Angel—"
"Pumapayag na ako, Sancho." Umangat ng tingin si Angel. "I live with you in Manila with Aldin. I want my son to be happy. Pumapayag na akong tumira sa isang bahay kasama ka."
Lumukso ang puso niya sa narinig. Him and Angel together in one house. This will be a dream come true.