Chapter 2

2140 Words
***ELIANA POV#*** Nagising ako na may nakadagan sa akin dumilat ako. Nagulat ako ng makita na may nakayakap sa akin na lalake. Napapikit ako ng maalala ang lahat. "Anong ginawa mo Eliana?" Tanong ko sa sarili ko. Saka dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap niya sa akin at bumangon ako. Napaigik ako ng kumirot ang gitna ng hita ko. Dahan dahan kong kinuha ang mga damit ko saka sinuot ito at nagmamadali akong umalis. Habang nasa daan lutang ang utak ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako sumama sa lalakeng yun. Hindi naman ako sumasama sa costumer. Pero ewan ko kung bakit napapayag ako ng lalake na yun. Saka naalala ang nangyari kagabi. May kung ano akong naramdaman ng maalala ang mukha ng lalake. Napapikit ako ng maalala ang nagdaang magdamag. Pakiramdam ko ang init init ng mukha ko. "Hoy! Gumising ka diyan Bruha." Sabi ni Lisa habang ginigising ako. Napakunot ang noo ko ng dumilat ako. "Ano bang problema mo at nandito ka?" Tanong ko dito. "Anong problema ko? E di ikaw." Sagot niya napakunot ang noo ko. "Ako? Bat ako?" Tanong ko sa kanya. "Dahil kagabi pa ako hindi pinatatahimik ng utak ko. Ng sabihin sa akin ni Malou na lumabas ka kasama ang costumer mo." Sabi nito sa akin. " E ano naman ngayon? " Tanong ko uli dito. " Haay Kaloka, Nasan na ang rule number one mo ha? Na wala na ba ang pagka santa mo ng makita mo si Adan." Sabi nito. Natawa ako dito. " Anong nakita ko si Adan? " Sabi ko dito. Tumingin ito sa akin. " Gwapo ba siya at napapayag ka na lumabas sa kanya? " Tanong nito. Napaisip ako saka tumango. Tumili ito. " Ano ang nangyari saan ka niya dinala? " Tanong niya uli. Huminga ako bg malalim saka nagkwento sa kanya. Tili ito ng tili. " At least sa gwapo at mayaman mo binigay yan. Kaso nga lang hindi ka man lang nagkapera. Bat kasi umalis ka agad. Malay mo ayain ka nun ng kasal pag nalaman niya na siya ang nauna. "Sabi nito sa akin. Binatukan ko ito. " Aray! naman. Malay mo lang naman no." Sabi nito sa akin. " Ewan ko sayo. Sino naman ang magaalok ng kasal sa babaeng sa Club mo na nga nakuha hindi mo pa kilala at ngayong gabi lang kayo nagkita no. " Sabi ko sa kanya. Natahimik siya. " So anong plano mo ngayon? " Tanong niya sa akin. Napakunot ang noo ko. " Anong plano ka diyan. E di wala balik sa trabaho. Ikaw talaga bumalik ka na nga sa bahay mo at maghahanda na ako ikaw din papasok pa tayo sa Club. " Sabi ko sa kanya napatingin ito sa relos niya. " Ay oo nga pala magpapaganda pa ako at baka makakita din ako ng lahi ni Adan ng mapikot agad. " Sabi nito. Binato ko ito ng unan tumatawa ito na lumabas ng silid ko. Napailing na lang ako ng magsolo na ako. Naalala ko na naman ang mukha niya. Umaasam ako na makikita ko siya sa Club. Pero hindi siya dumating ni anino niya hindi nagpakita. "Ano ka ba Eliana. Asa ka na napansin ka nun ang yaman yaman nun saka siya na nga ang nagsabi na hindi siya pumupunta sa lugar na ganito no. Ibig sabihin mababa ang tingin niya sa lugar na ito. " Bulong ko sa isip ko. Huminga ako ng malalim. Saka pinuntahan ang cotumer na naghihintay sa akin. Ilang araw ang lumipas hangang naging lingo. Ni anino niya hindi man lang nagpakita sa Club kaya hindi na ako umasa pa na magkikita pa kami. Pinilit ko na lang na kalimutan siya. "Ate malapit na ang intrums namin sa school. Pumunta kayo ni nanay ah." Sabi ng kapatid ko na si Ellen. Lalaban kasi ito ng Volleyball. "Oo ate panoorin niyo kami ni ate Ellen." Sabi naman ni Elysa ang sumunod sa bunso namin. Kasali naman ito sa Cheering squad. Tumango ako sa kanila. Kaya tuwang tuwa sila. "Uy! Mukhang ang aga mo ngayon magaya pumunta ng Club ah." Sabi ni Lisa sa akin. "Kailangan e. Gusto kong ayain sila nanay bukas kumain sa labas. Pagkatapos ng intrums nila Ellen." Sabi ko dito. "Bukas na pala yun no. Ibig sabihin hindi ka papasok bukas sa Club?" Tanong nito sa akin tumango ako dito. "Sige ako ng bahala kay Mommy." Sabi nito sa akin. Nagpasalamat ako sa kanya. Kinabukasa. Maaga pa nasa School na kami nila nanay. Pagdating ng tanghali Una naming pinanood ang labanan ng Cherring squad nila Elysa. Tuwang tuwa ako ng manalo ang grupo nito. Kumain muna kami sa isang fast food bago kami bumalik sa school. Pinanood naman namin ang laban ni Ellen. Tuwang tuwa kami ng matapos ang laban panalo din ang grupo ng kapatid ko. Palabas na kami ng school ng manikip ang dib dib ng nanay ko. Nataranta ako ng tuluyan na itong mawalan ng malay. Agad na sinugod namin ito sa malapit na hospital. Iyak ng iyak ang mga kapatid ko. "Ate si nanay." Sabi ni Ellen. Niyakap ko ang mga kapatid ko habang umiiyak ako. matagal din kami naghintay maya maya dumating si Lisa. "Anong nangyari best?" Tanong ni Lisa sa akin. Kwenento ko ang nangyari. Hinawakan niya ang kamay ko. Lumabas na ang doctor. "Kumusta po doc ang lagay ng nanay ko?" Tanong ko sa kanya. " Sa ngayon ligtas na siya. Pero mahina na ang puso ng nanay mo. Kailangan na niyang maoperahan sa lalong madaling panahon. Kapag inatake pa siya uli hindi na kakayanin ng puso niya." Sabi nito sa akin. Nanlumo ako sa narinig. Nilipat sa silid niya ang nanay ko. "Anong plano mo besty?" Tanong ni Lisa sa akin. "Kailangan kong makahanap ng mapagkukunan ng malaking halaga para maoperahan ang nanay ko besty. Hindi ko kakayanin pag na wala siya sa amin ng mga kapatid ko." Sabi ko dito. "Hayaan mo besty magtatanong ako kung saan tayo kikita ng malake." Sabi nito sa akin. Nagpasalamat ako sa kanya. Kailangan manatili ni nanay sa ospital. Nagsasalitan kami ng mga kapatid ko sa pagbabantay kay nanay. Sa umaga ako ang nagbabantay sa kanya. Sa gabi sila naman ang bantay nito. Kailangan na niyang manatili sa ospital dahil dilikado ang lagay niya. "Besty, Wala silang alam na may malaking kita. Pero susubukan di daw nila magtanong sa iba nilang kilala." Sabi ni Lisa. Minsan gusto ko ng sumama lumabas sa costumer ko pero hindi ko talaga kinakaya. Dumating ang hapon ko pero maliit lang ang naitulong nito sa akin. Unti unti na akong na wawalan ng pagasa. Hangang isang araw. Dumating sa ospital si Lisa. "Eliana! May nakausap ako isa sa mga kakilala niya may iaalok na trabaho sayo. Pag nagawa mo ang pinagagawa nila papaoperahan nila ang nanay mo." Sabi nito sa akin. Nagliwanag ang mukha ko. "Saan ko siya makakausap?" Tanong ko sa kanya. "Nakikipagkita sila sa atin mamayang hapon sa may fast food malapit sa Club." Sabi nito. "Sige balikan mo ako dito mamaya kakausapin ko sila." Sabi ko dito. Tumango siya. Nakahinga ako ng malalim. "Nay maooperahan kana kaya magpalakas ka ha." Bulong ko dito. wala parin kasi itong malay. Tumulo ang luha ko. "Wag kayong magalala nay gagawin ko ang lahat maoperahan lang kayo." Bulong ko dito. Kinahapunan papunta na kami sa fast food kung saan namin sila kakausapin. Pagpasok namin doon kinawayan kami ng kakilala ni Lisa. Nakita ko na may katabi ito na babae. Halata na mayaman ito dahil may pagkasosyal ito. "Hi! Eto nga pala si Eliana ang sinasabi ko sayo. Siya nga pala si Liona ang sinasabi ko sayo." Sabi ni Lisa sa akin. Kinamayan ko ito. "Uy! Magkapangalan pa pala kayo." Sabi ni Liona. Tumingin sa akin ang babae. Tiningnan ako nito mula ulo hangang paa. " Pwede na. " Sabi nito na walang kangiti ngiti ito saka nagdekwatro. " May eooffer ako sayo na trabaho. Sabi nito. Nangangailangan ka daw ng pera para pampaopera ng nanay mo. Pag nagawa mo ang pinagagawa ko sayo paooperahan ko ang nanay mo sa ibang bansa." Sabi nito. Natuwa ako sa sinabi niya sa akin. " Kahit Ano po gagawin ko maoperahan lang ang nanay ko" Sabi ko sa kanya. " Kung ganun magkakasundo tayo. Simple lang ang gagawin mo. Magpapangap ka na ako sa harap ng Fiance ko. Kailangan hindi makahalata ang doctor niya na hindi ako ikaw. " Sabi nito sa akin. Tumango ako kahit nalilito ako at napakaraming katanungan ang pumasok sa isip ko. " Payag ako kailan ako maguumpisa? " Tanong ko dito. " Bukas din dadalahin kita sa kanya at bukas din maguumpisa kana. " Sabi nito sa akin. " Teka lang kailan naman maooperahan ang nanay niya? " Tanong ng kaibigan ko dito. " Pagbalik ko galing ibang bansa. isang buwan lang ako doon babalik din ako agad. May kailangan lang akong gawin doon kaya kailangan kita para may titingin sa fiance ko habang wala ako dito sa pilipinas. Wag kang magalala hindi ka niya makikilala. " Sabi nito. Hindi na lang ako nagtanong ang importante mapapaoperahan ko na si nanay. "Ako na ang bahala sa bayaran niyo sa ospital bago tayo umalis bukas babayaran ko na ang bill niyo sa ospital bilang paunang bayad ko sayo." Sabi nito. Tumango ako. " Wag kang magalala Eliana habang wala ka ako na muna ang bahala sa mga kapatid mo at nanay mo." Sabi ni Lisa sa akin. Nagpasalamat ako sa kaibigan. Pagbalik ko sa ospital kinausap ko ang mga kapatid ko. Sinabi ko na mawawala ako ng matagal kasi kailangan kong magtrabaho sa malayo kaya bantayan nila si nanay. Nagiyakan sila. Sinabi ko na si ate Lisa muna nila ang makakasama nila habang wala ako. Sabi ko babalik din ako agad pag natapos ang trabaho ko. Sinundo ako kinabukasan ng isang kotse. Pagpasok ko dito nakita ko si Eliana ang babae na kumuha sa akin. May kasama siyang lalake na medyo may edad sa amin. Ito ang nagdadrive sa sasakyan. "Siya ba ang sinasabi mo?" Tanong nito tumango ang babae saka yumakap dito. "Kaya pala aalis siya sasama pala siya sa lalake na ito. Bakit kaya ano kaya ang itsura ng fiance niya?" Tanong ko sa isip ko. "Ano ka ba Eliana wala ka ng pakialam kung ano man ang problema nila. Ang mahalaga mapaoperahan nila ang nanay mo." Bulong ko sa isip ko. Ngumiti na lang ako sa kanila saka tumingin ako sa labas ng bintana. Ng huminto ang sasakyan nagulat ako ng makita na nasa airport kami. Kinuha ko ang bag ko saka sumunod sa kanila. Nakita ko na nagpaalam ang babae sa lalake. Naghalikan ang mga ito bago naghiwalay. Pumasok kami sa airport. Hindi na sumama ang lalake kami na lang ng babae. Pagpasok nami may sumalubong sa amin na isang lalake na naka tuxedo. "Willson!" Tawag nito sa lalake. Lumapit sa kanya ang lalake nagyakap sila nito saka tumingin sa akin ang lalake. "Siya na kaya yung Fiance niya?" Tanong ko sa isip ko. "Siya na ba ang sinasabi mo?" Tanong nito. Tumango ang babae. "Good. Halika na" Sabi nito sa amin. "Ah! Hindi pa pala." Bulong ko sa isip ko. Sumakay kami ng airplane kasama namin ang lalake na nakatuxedo. "Kung ganun sino naman kaya ito?" Bulong ko na naman sa isip ko habang pinakikiramdaman ko ang dalawa na kasama ko. Ilang oras din kami dito bago kami bumaba. Paglabas namin ng airpot sumakay na naman kami sa sasakyan na naghihintay sa amin sa labas. "Nasaan na naman kaya kami? Sa tingin ko nasa pilipinas parin kami kasi pilipino parin ang mga nakikita ko na mga tao dito." Bulong ko habang nakatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Nakaidlip ako. Nagising ako na may tumatapik sa akin. "Nandito na tayo." Sabi ni Eliana sa akin. Bumaba na ako ng sasakyan. "Nasaan tayo?" Sa wakas naitanong ko din dito. "Nasa Palawan tayo isa itong isla." Sagot nito sa akin. Napakunot ang noo ko. Nakita ko ang isang malaking bahay. Napaka ganda nito. "Nandito tayo sa isang bakasyunan niya." Sabi ni Eliana. Pumasok kami. Sinalubong kami ng isang doctor. Kinausap ito ng lalake na kasama namin. "Kumusta siya?" Tanong nito. "Ayos lang siya." Sagot nito. Tumango ang lalake. "Siya nga pala siya si Eliana siya ang sinasabi ko na makakasama niyo dito." Sabi nito sa doctor. Tumango ito saka ngumiti sa akin. Nginitian ko lang ito. Nagusap pa sila saka kami sinamahan sa isang silid . Napahawak ako sa bibig ko ng makita na naka Comma pala ang fiance ng babae maraming mga aparato ang nakakabit dito puro benda ang katawan at mukha nito. "Siya nga pala si Alexander Washington ang fiance ko." Pakilala ng babae. Napatingin ako sa babae. Hindi ako makapaniwala na ganito ang kalagayan ng fiance na ipapakilala nito sa akin. Bigla akong naawa sa lalake na naka comma.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD