Pagpasok namin nakaupo na ang lahat. Nagulat ako ng makita ang lalake na sumalubong sa amin ni Eliana sa airport. Nakaupo ito sa malapit sa upuan ni Alex. Bumulong si Atorny kay Alex bago ito humiwalay sa amin. Naikuyom ni Alex kamay niya. Naupo na kami sa mga upuan namin ng pumasok kami sa loob. Napatingin sila sa akin. "Excuse me Mr. Washington. nais sana naming maging Exclusive ang meeting na ito. Kaya ang gusto ng board na nandito lang sana sa loob ng conference room ay yung mga Shareholders lang sana." Sabi ng isang babae. Saka tumingin sa akin. Tatayo na sana ako kaso pinigilan ako ni Alex na tumayo. Napatingin ako dito. " Naiintindihan ko Mrs. Fermin. Wag kang magalala dahil sa tingin ko lahat naman tayong naririto ay may karapatan na umattend sa meeting na ito. Kagaya ng wife ko.

