Bumalik na ako sa opisina. Nakita ko na busy siya sa pagpirma ng mga files na iniwan ko. Nang tumingin sa akin si Alex pinilit ko na ngumiti. "Bumili ako ng pagkain natin. diyan lang yan sa malapit." Sabi ko sa kanya saka lumapit ako sa mesa niya. Napatingin siya sa pagkain na dala ko. "Kain na muna tayo. Tama na muna yan." Sabi ko sa kanya saka hinawakan siya at dinala ko siya sa lamesa para kumain kami. inasikaso ko ang pagakain niya. Hanggang sa makauwi kami laman ng isip ko ang napagusapan namin ni Eliana. "Are you oka sweetheart?" Tanong niya sa akin ng nasa biyahe kami. Tumango ako sa kanya. Hinapit niya ako sa bewang ko. Sinandal ko ang ulo ko sa dib dib niya. Nagaalala ako sa pamilya ko. Gabi na hindi pa ako nakakatulog pinagmamasdan ko siya. May kutob ako na hindi magand

