Palabas na kami ng kusina ng may marinig kami na mga yabag. Nagtago kami sa likod ng sink. "Hindi yun makakalayo. Bulag yung kasama nun." Sabi ng isa. " Masaya to. Malaki ang pabuya ni Boss kung sino man ang makakahuli ng buhay sa kanila. " Sabi naman ng isa. Palapit ng palapit ang yabag. Humanda ako. Ng tumapat sa amin. Aktong lalabas na ako ng may dumating. " Andito pala ang mga to. " Sabi ng dumating. " Saan kayo galing? " Tanong ng lalake na nasa malapit sa amin. "Sa taas sana kami pupunta pero nadun na sila Bogart." Sagot naman ng isang lalake na nasa pintuan. " Nakita niyo ba sila? " Tanong ng isa. " Hindi, sa tingin ko hindi yun dito dederetso alam nila na mahuhuli sila agad dito. " Sabi ng kasama ng lalake na nasa malapit sa amin. " Oo nga , nasan na ba sila Boss? " Tanong

