"Alex dala ko na pinaaalam mo sa akin. " Sabi ni Jake sa akin. "Totoong may sakit ang nanay ni Rick. May sakit itong Aids at totoo din na hindi mo kapatid si Rick. Negative ang DNA niyo. Ayon din sa pinagtanungan ko noong umalis sila Rick sa inyo may dala daw pera ang nanay ni Rick kaya lang inubos lang daw nito sa kakainom. Hindi na daw nito inaasikaso ang anak niya lagi pa niya itong binubogbog. " Sabi ni Jake. Nakahinga ako ng maluwag. Nagpasama ako sa kanya sa prisinto. " Hayop ka sisiguraduhin ko na makakalabas ako dito at oras na makalabas ako dito hindi ako titigil hangat hindi kita napapatay. " Sabi ni Rick sa akin na galit na galit. Nagtiim bagang ako. " Nakakaawa ka naman. Sinayang mo lang ang buhay mo sa paghahanap ng mapagbubuntunan mo ng sisi sa mga hirap na dinanas mo

