Chapter 8

1105 Words
Bumalik ako sa silid ni Alex tuwang tuwa ako dahil sa balita sa akin ng kaibigan ko. "Alam mo ba na ang saya saya ko ngayon. Maooperahan na ang nanay ko. Para akong nabunutan ng tinik. Hinfi lang yun may nagisponsor narin sa pagaaral ng mga kapatid ko. Grabe hindi ko alam kung papano ako magpapasalamat sa itaas." Sabi ko sa kanya. Hangang sa kinagabihan hinfi na wala ang sigla ko. Hangang naisip ko ang sinabi ng Kaibigan ko sa akin. Naisip ko si Alex. Naisip ko ang sinabi ni Atorny sa akin. Hangang sa nakatulog ako laman ng isipan ko ang sinabi ng kaibigan ko. "Hi! Good morning." Bati ko dito. Habang nilalagay ko ang mga bulaklak sa vase. "Alam mo sabi ng kaibigan ko pakasal na daw ako sayo. Pero pano ko naman gagawin yun.' Bulong ko sa kanya. Tinitigan ko siya. May kung ano akong naramdaman. Huminga ako ng malalim. "Siguro nga may dahilan kung bakit nangyari yun at dapat ko yung suklian." Sabi ko sa kanya. "Siguro dapat ko na siyang kalimutan." Bulong ko uli. Saka ko pinahid ang luha ko na tumulo sa pisngi ko. Kinagabihan tinawagan ko si Atorny sinabi ko na nakapagdisiyon na ako. Tuwang tuwa siya sa akin. Nagusap kami. Sabi niya pupunta daw diya dito sa Isla. Kinabukasan nagulat ako ng malaman na dumating si Atorny. "Ang bilis naman niya akala ko matatagalan pa dahil aasikasuhin niya pa ito." Bulong ko sa isip ko. Kinabahan tuloy ako sa naging disisyon ko. "Tama ba talaga ang naging desisyon ko?" Tanong ko sa sarili ko. Saka huminga ng malalim bago ako kumatok sa pintuan. Pinapupunta kasi ako ni Atorny sa Library. "Pasok." Sabi nito pumasok ako sa loob. "Miss Eliana.Maupo ka." Sabi niya sa akin. Naupo ako. "Buti naman at nakapagdesisyon kana. Siguradong masaya siya ngayon na pumayag kana na makasal sa kanya. Sayang nga lang kasi hindi kayo sa simbahan kinasal at pirmahan lang ang mangyayari kasi naka Comma na siya. Pero wag kang magalala pumirma na siya bago pa siya ma comma para maihanda ko ito kahit anong mangyari." Sabi ni Atorny. Napatango na lang ako. Ayos lang naman kasi kung gising siya ngayon siguradong hindi siya papayag na makasal sa akin. Dahil hindi ako ang babae na gusto niyang pakasalan. Nginitian ko na lang si Atorny. " Ayos lang yun Atorny. Mas gusto ko yung ganito tahimik." Sabi ko sa kanya. Binigay niya sa akin ang isang sing sing. "Teka nasan yung sing sing na una kong binigay sayo?" Tanong niya sa akin. "Tinago ko. Sa tingin ko kasi mahal yun kaya natakot ako na mawala ko." Sabi ko sa kanya. Natawa siya. "Ano kaba binigay niya yun sayo kaya wag kang magaalala. Totoong mahal yun pero mas magiging masaya siya kung isusuot mo yun. Lalo na yang sing na yan wag mong huhubarin yan." Sabi niya sa akin. Tumango na lang ako sa kanya saka sinuot ang sing sing. "Grabe ang ganda niya, sukat na sukat pa sa akin. Parang pinagawa talaga para sa akin." Bulong ko habang pinagmamasdan ang sing sing sa kamay ko. "Nagustuhan mo ba miss Eliana?" Tanong ni Atorny sa akin. Tumango ako sa kanya. "Napaka ganda niya po." Sabi ko sa kanya. "Ah meron pa pala akong ibibigay sayo." Sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya. " Here, sabi niya sa akin ibigay ko sayo ito pagkatapos mong pirmahan ang marriage contract niyo." Sabi niya sa akin. Nagtataka na napatingin ako sa paper bag na inabot niya. Napatanga ako ng makita na dalawang card ang laman niyon at isang Cell phone. " Actually yung cell phone ako na ang bumili niyan. Para madali mo akong matawagan incase na may problema ganun din ikaw matatawagan kita agad. Nilagay ko na ang number ko diyan." Sabi niya. " Para saan naman po ito? " Tanong ko sa kanya habang tinuturo ko ang mga card. " Para daw sa mga personal na pangangailangan mo. Para daw may magamit ka habang wala siya sa tabi mo. " Sabi niya sa akin. Tumango na lang ako pero alam ko na wala akong karapatan na pakialaman kahit isang sentimo doon dahil hindi naman ako ang totoong asawa niya. Hindi na ako ang nag filled up ng Contact pinapirma na lang ako ni Atorny kaya siguradong ang pangalan ni Eliana ang nakalagay doon ako lang ang pumirma. Hindi naman mahirap gayahin ang pirma ko kaya hinfi mahihirapan si Eliana na gayahin ang pirma ko oras na dumating siya. "Sana masaya kana dahil kasal kana sa kanya." Bulong ko habang nakatingin ako sa kanya. "Sana lang hindi ako nagkamali sa ginawa ko. Sana totoong maging masaya ka sa ginawa ko." Sabi ko. Hindi ko maintindihan bakit parang nasasaktan ako sa tuwing iisipin ko na kasal na siya at hindi ako ang totoong asawa niya. Napapailing na lang ako. Isang lingo na ang nakalipas mula ng pirmahan ko ang marriage contract. Papasok na ako sa silid ni Alex nagulat ako ng makita na abala ang doctor at nurse niya. "Anong nangyayari?" Tanong ko sa isang nurse na papasok sa loob. "Tatangalin na po namin ang bandage ng pasyente kasi lubos na namang naghilom ang mga sugat niya." Sabi ng nurse. Natuwa ako sa narinig. Dahil sa wakas makikita ko na ang mukha ng pasyente na lagi kong kausap. "Ano kaya ang itsura niya?" Tanong ko sa sarili ko habang tinitingnan ko ang mga doctor na busy sa ginagawa nila. Excited ako na makita ang mukha niya. Hindi ko maintindihan kong bakit kinakabahan ako. Huminga ako ng malalim. "Siguro gwapo siya kasi Ang ganda ng shape ng ilong niya at lips niya." Bulong ko sa isip ko. Ilang oras din bago natapos sila. "Tapos na po Mrs. Washington. Maari niyo na pong makita ang mukha ni Mr Alex. " Sabi ng doctor sa akin habang nakangiti sa akin. Kinakabahan na nginitian ko ito. Pumasok ako sa loob ng silid nakita ko na nakahiga ito kagaya ng dati pero wala na itong benda sa buo nitong katawan. Unti unti akong lumapit sa higaan niya. Napahawak ako sa bibig ko ng makita ko ang mukha niya. "Alex!" Bigkas ko sa pangalan niya sa gulat ko. "P... Papanong n.... Nangyari ito sayo?" Tanong ko saka tumulo ang luha ko. Nahawakan ko ang kamay niya. Habang tumutulo ang luha ko. Hindi ko akalain na ang lalaking lagi kong kinakausap araw araw ay ang lalaking pinanabikan kong makitang muli. Hindi ko alam kong matutuwa ako O maawa ako sa kalagayan niya. Sobra ko siyang na miss hindi ko akalain na sa ganitong sitwasyon ko siya muling makikita. Tumulo ng tumulo ang luha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD