Nakita ko na malayo na kami sa Isla. Medyo madilim pa. Nagkukulitan ang mga kapatid ko. Habang umaandar ang bangka. May mga kasama kaming armadong mga lalake. Buti nga hindi natatakot ang mga kapatid ko sa mga ito. "Relax, walang masamang mangyayari. Magugustuhan mo ang pupuntahan natin promise." Sabi niya sa akin. Huminga na lang ako saka kumapit sa braso niya. Nagulat ako ng huminto na ang bangka. Pinatay ng isang lalake ang makina. "Nandito na po tayo Sir." Sabi ng isa. Napatingin ako sa dagat. Ang linaw ng tubig. "O nandito na tayo. " Sabi ni Alex sa dalawa kong kapatid. Tuwang tuwa na nilabas na ng dalawa ang balde na nasa ilalim ng upuan. Tinulungan sila ng isang tauhan. Kinuha ni Alex ang pamingwit sa gilid nilagyan niya ng maliit na isda ang kalawit na nasa dulo nito. Saka i

