Kinabukasan nag flight kami agad papuntang Visayas Pagdating namin may sasakyan na naghihintay sa amin. Nagderetso kami sa bahay nila. Tuwang tuwa ang mga kapatid ni Eliana ng makita ako. "Kuya Alex!" Sigaw ng mga ito ng makita ako. "Nay nandito si kuya Alex kasama si kuya Jake." Sabi ng kapatid ni Eliana. Lumabas ang nanay ni Eliana. "Alex ikaw nga ba yan?" Tanong sa akin ng nanay ni Eliana. "Opo nay ako nga po ito. Magandang hapon po." Sabi ko sa kanya saka nag bless dito. "Aba magkakilala kayo ni Jake?" Tanong nito sa akin. "Siya po ang Boss ko nay." Sabi ni Jake. "Ay, Ganun ba? Naku at utang ko pala sayo iho ang buhay ko." Sabi ng nanay ni Eliana. "Naku nay, Ginawa niya po yun dahil kay Eliana" Sabi ni Jake. Nagtataka na napatingin sa akin ang nanay ni Eliana Kwenento lahat

