Nagulat ako ng makita sila Mr. Hernandez, Mr.Galvez at Mr. Chua "Kinontact ka namin dahil may sasabihin kami sayo na importante. " Sabi ni Mr. Hernandez. Napatingin ako sa kanila. "Pero gusto namin na mangako ka na poprotektahan mo ang pamilya namin. Alex ikaw na lang ang alam namin na makakatulong sa amin." Sabi ni Mr. Chua. Tinitigan ko sila mga seryoso sila at mukhang punong puno ng takot ang mga mata nila. Huminga ako ng malalim. "Pinapangako ko na poprotektahan ko ang pamilya niyo." Sabi ko sa kanila. Nagkatinginan sila. Pinagsalikop nila ang mga kamay nila. "May ebedensiya kaming hawak na magpapatunay na ninakaw ni Wilson ang pera mo sa kompanya. Kasabwat niya ang girlfriend mo na si Eliana." Natigilan ako. Tinitigan ko sila. Mukhang hindi sila nagsisinungaling. "Bakit niyo sina

