Nakabibinging katahimikan ang bumungad kay Ajerico ng pumasok siya ng condo. Napapikit siya. The sudden loneliness as he steps inside is so foreign for him. And it scares him a lot. Kinapa niya ang naroong singsing sa bulsa niya at kinuha ito. Pinakatitigan niya at hinalikan iyon. Tinanggal niya ang suot na kwintas at ginawang pendant ang singsing ni Aine bago muling ibinalik ito sa leeg. Nagpunta siya ng kusina para kumuha ng tubig. As if he can see her smiling at him while cooking his favorite food. Ikinunot niya ang noo dahil nagbabanta na naman ang luha niya. Nasuntok niya nag kitchen sink. HIndi lang isa kundi maraming beses hanggang sa magdugo na ang kamao niya. Doon lang kasi niya mailalabas ang galit niya sa sarili. Galit for making a wrong move. He really screwed up b

