Simula
Life is full of challenges. Hindi natin ito maiiwasan kahit saan man o ano man ang ginagawa natin. Minsan nga napapatanong na lamang ako kung bakit kailangan pa ang konsepto ng paghihirap? Bakit kailangan pa harapin ng tao ang hirap para lamang makamit ang magandang buhay kung pwede namang magagandang bagay na lang ang mangyari. Hindi ba mas maganda iyon kumpara sa buhay na hirap ka na nga, mas lalo ka pang pahihirapan. Minsan talaga ay hindi ko maiwasang isipin, napaka unfair ng mundo.
“A-anak… hindi na namin alam ang gagawin ng tatay mo… makapangyarihan ang pamilya ng mga Hidalgo… kapag hindi natin nabayaran ang utang ay paniguradong may mangyayaring masama…”
I can't help but to just weep my tears silently. Humagulgol ang aking Ina sa kabilang linya ng telepono. Hindi ko maatim na marinig ang bawat hikbi niya, mas lalo lamang akong pinahihirapan nito na makapag-isip. Hindi ko pinapahalata kay nanay na ako rin ay umiiyak, ako nalang ang tanging sandigan nila ni Tatay at hindi ako pwedeng matibag.
Pagsubok lamang ito Selene. Matatapos din ito.
“Nay, wag po kayong mag-alala, hahanap ako ng mahihingan ng tulong, sa ngayon ay magpahinga muna kayo at baka mapaano pa kayo.” Pigil ang luhang tugon ko kay Nanay.
Agad namang nag baba ng telepono si Nanay. I sighed. Parang napaka bigat ng pakiramdam ko.
Nandito ako ngayon sa isang waiting shed. Naghihintay ng masasakyang jeep pauwi sa aming bahay. May kalayuan ang aming bahay sa kabayanan, napapaligiran din ito ng mga puno at mga taniman ng palay.
“Panginoong… tulungan niyo po kami.” I whispered.
Inayos ko ang nakapatong na plastic envelope sa aking mga hita na naglalaman ng mga papeles ko para sa trabaho. Inabot na ako ng gabi sa pagbabakasali na makapag apply kahit isang trabaho man lang ngunit wala sa anu mang kumpanya ang tumanggap sa akin.
Nakatapos ako bilang c*m Laude sa kursong Accountancy kaya ganoon nalamang ang panlulumo ko ng hindi ako matanggap sa mga kumpanya na pinasukan ko. Dumagdag pa ang problema ng aming pamilya na siyang nagpabigat lalo ng ng aking pakiramdam.
Pakiramdam ko ay sasabog na ang damdamin ko sa sobrang lungkot at takot. Lungkot dahil sa kanila ng pagpupursigi ko sa buhay ay puro nalamang hirap ang aking pinagdadaanan. Takot dahil sa kinahaharap naming problema.
Hindi kasi basta-basta ang pinagkakautangan nila Nanay at Tatay. Isa sila sa mga makapangyarihang pamilya sa aming lugar at posibleng sa buong bansa na rin. Ang Pamilya Hidalgo. Wala sa hinagap ko na sa lahat ng tao na pwedeng mapagkautangan ay ang pamilya pa na iyon ang napili nila Tatay at Nanay.
Ang Pamilya ng mga Hidalgo ang isa sa mga nagmamay-ari ng isa sa mga pinakamalalaking Mall Chains sa buong bansa. Ang Hidalgo Corporation. Sikat sila hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa. Ngunit sa kahit anong yaman nila ay may mga iskandalo rin na kinahaharap ang kanilang pamilya. They're not the typical family you wish to be with. Hindi talaga mapapalitan ng kahit anong yaman ang dignidad ng taong may mabuting puso.
Araw-araw ko na hinihiling sa Diyos na sana ay paggising ko bukas ay may pera na kaming hawak para sa mga Hidalgo, kung hindi ay buhay namin ang magiging hawak nila.
Halos kalahating milyon kasi ang naging utang ng aking ama't ina sa pamilya. Noong nakatapos lamang ako tsaka nila sinabi ang lahat-lahat sa akin. Ginamit nila iyon upang makabili ng lupa at magkaroon ng pangtustos sa aking pag-aaral. Hindi ko alam ang naging kasunduan ng magkabilang panig. Ang malinaw lamang sa akin ay kailangan na naming mapalitan ang utang sa lalong madaling panahon.
Kinuha ko ang wallet sa aking bulsa at kinuha ang litrato ng aming pamilya. Doon ay tuluyan muling tumulo ang aking mga luha.
“Pasensya na… nay… tay… kung mas naging mabuti lamang siguro ang mundo sa atin ay hindi na natin kailangan mag hirap ng ganito…” sambit ko habang patuloy na tumutulo ang luha sa pisngi ko.
Para na akong batang nawawala at posibleng mukha na akong kawawa sa kalagayan ko dito sa waiting shed ngayon dahil sa kaiiyak ko. Ngunit wala na akong pakialam, ang nais ko lamang ay mailabas lahat ng nararamdaman ko.
Patuloy lamang ang aking pag-iyak at hindi alintana ang aking kalagayan ng biglang nag ring ang aking telepono.
Bumalik ako sa wisyo. Pinahiran ko ang aking mga luha at inayos ang aking sarili bago tinignan kung sino ang tumatawag.
An unknown number is calling you…
Sino naman kaya ito? Siguro ay isa ito sa mga kumpanya na aking pinag apply-an. Biglang lumiwanag ang aking mga mata.
Hindi na ako nag alinlangan pa at sinagot ang tawag.
“Hello… sino po ito?” Usal ko sa cellphone.
Ilang segundo pa bago sumagot ang nasa kabilang linya.
“Is this Selene Amerie Constancia?” A baritone voice spoke.
Tila may kung anong kuryente ang gumapang sa aking katawan, mula paa hanggang sa aking ulo. Hindi agad ako nakasagot sa kanyang katanungan dahil sa sobrang gulat.
“Y-yes? Sino ho ito?” Magalang na tanong ko.
“Who am I?” He chuckled. “Sino nga ba ako? Miss Constancia? Hmm.”
His response made me confused. Napataas ang aking kulay. Nagtataka kung sino man ang lalaking tumatawag.
“Kung ito man po ay prank call, wala akong oras para dito… marami akong problema at sana ay wag na kayong dumagdag.”
“Really? A problem? Katulad ng ano?”
“Sino ka ba talaga? Ano ba ang pakay mo?” I questioned him. Naiinis na.
“Let's say… ang lalaking pinagkakautangan ng pamilya mo? Does that sounds nice? Or pede ring your family's worst nightmare.” He let out an evil laugh.
Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig. Tila ang kaninang mga emosyon na aking nararamdaman ay tuluyan na namang bumabalik sa aking buong mentalidad. Nanginginig ang kamay ko habang ang telepono ay nakatapat pa rin sa aking tainga. My mind was so clouded that I couldn't even move my lips to talk back to the man at the other line.
“The debt of your family is almost due, Miss. Alam mo naman siguro ang mangyayari kung hindi ito mababayaran sa itinakdang oras diba?” Seryoso at puno ng awtoridad ang boses nito na nakapag pabalik sa aking ulirat.
“K-kung sino man po kayo… nagmamakaawa ho ako… kahit ilang buwang palugit pa po… hindi pa po namin alam kung saan hahanap ng ganoong kalaking pera…” pagmamakaawa ko sa lalaki. Unti-unti na namang lumabas ang mga luha ko.
Pagod na pagod na ako umiyak!
“That's not my problem anymore, Miss. Kung hindi niyo ito mababayaran sa tamang oras… better to ready yourself… dahil hindi nakikipaglaro ang isang Hidalgo…”