Chapter 22 “Kung ano ang desisyon ni Callie ay siyang susundin ko.” Napangiti si Robin nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang kapatid. Kaagad siyang umikot papunta sa kinauupuan nito at niyakap ito. Masaya siya dahil naiitindihan siya ng kaniyang kapatid. Para kasi sa kaniya ay sapat na si Sayah at kahit na naging bampira ito ay wala iyong kaso sa kaniya. Marami rin naman silang mga tauhan na bampira at mga wizard. Ano ang pinagkaiba kung mananatili si Sayah sa kastilyo nila para bantayan siya? Kahit na isa na itong bampira ngayon. “Maraming salamat, kuya!” sabi niya. Nang ibalik niya ang paningin kay Sayah ay nakangiti rin ito sa kaniya. Alam naman niya na hindi siya sasaktan ni Sayah, nakikita niya sa mga mata ng kaibigan iyon. Isa pa, hindi lamang siya ang malulungkot sa oras

