Chapter 4
“Sayah, sa tingin mo ba ay babalik pa ang anak ko?”
Tumingin si Robin kay Sayah na nakaupo sa dulo ng kaniyang kama. Tumayo ito at naglakad palapit sa kaniya. Naupo si Sayah sa gilid ng kaniyang kama at hinawakan ang kaniyang dalawang kamay.
Ngayong araw na siya babalik sa verthron at nalaman na rin ng kaniyang kapatid ang ginawa ni Alex sa kaniya. Hindi lamang ito personal na makakasundo dahil kailangan ito sa zone 3. Ngunit nagpadala na ito ng mga kawal na susundo sa kaniya. Makakasama rin niya si Nathalia.
“Hindi ko masasagot ang inyong tanong mahal na prinsesa, ngunit huwag kayong mag-alala, tiyak na binabantayan niya kayo ngayon,” sagot ni Sayah sa kaniya.
Tinitigan niya sa mukha ang babae at ngumiti siya.
“Salamat, Sayah, Robin na lang ang itawag mo sa akin. Hindi ba at sa verthron ka na rin maninirahan dahil ikaw ang magiging personal ko na taga bantay?” tanong niya.
Tumango naman si Sayah, “Oo, Robin, simula nang dumating ako rito sa lugar ng mga bampira ay nakahanda na ako sa pagsama sa iyo sa kastilyo ng verthron. Nasabihan na rin ako ni Zico tungkol sa pagbabantay sa ‘yo. Hangga’t narito ako ay sisiguruhin ko na walang masamang mangyayari sa iyo.”
Nginitian niya si Sayah. Naalala niya ang sinabi ni Alex noon na hindi nito naaalala si Xandro. Nalulungkot siya para kay Xandro nang marinig iyon. Napakalapit ng mate nito ngunit hindi nito mahawakan.
“Bakit ganiyang ang tingin mo sa akin, Robin? May problema ba?” tanong ni Sayah sa kaniya.
Natapik ni Robin ang kaniyang noo dahil hindi niya namalayan na matagal na pala siyang nakatitig kay Sayah. Namamangha din kasi siya sa ganda nito. Kahit na maiksi ang buhok ay bagay na bagay dito ang gupit at ang liit ng mukha nito.
“W-Wala naman, nagagandahan lang ako sa ‘yo. Kailan ka pa naging isang vampire hunter? alam ko na mahirap ang trabaho mo. Pero bakit pinili mo maging isang vampire hunter?” tanong ni Robin.
Binitawan ni Sayah ang kaniyang kamay at kinuha nito ang kwintas na nakasuot dito.
“Para sa kinilala kong pamilya na nag-alaga sa akin. Pinaslang sila ng isang pureblooded x vampire. Nais ko silang ipaghiganti kaya ako naging isang vampire hunter. Siyam na taong gulang lang ako noon,” sabi ni Sayah sa kaniya.
Hindi maiwasan hindi mamangha ni Robin sa kaniyang nalaman. Sa edad na siya? Napakasakit isipin na sa murang edad ay mag-isa na lamang ito.
“N-Namatayan din ako ng pamilya, ngunit hindi sa murang edad. Napakahirap ng pinagdaanan mo, Sayah, pagkatapos non ay napunta ka na sa vantress at sila na ang nag-alaga sa ‘yo?” tanong niya.
Umiling si Sayah at tumingin sa kaniya, “Hindi, Robin, ako ang nakiusap noon kay Zico na sumama sa vantress upang maging isang vampire hunter. Simula nang makita ko kung paano paslangin ang aking pamilya nais ko na maipaghiganti sila. Noon ko naisip ang pagiging isang vampire hunter.”
Pero paano sila nagkakilala ni Xandro? Iyon ang gusto kong malaman.
Hindi naman niya iyon maaaring tanungin dahil hindi nito naaalala ang lalake. Isa pa naman si Xandro sa malapit sa kaniya.
Nang may kumatok sa pinto ay kaagad na tumayo si Sayah. Lumapit ito sa pinto at binuksan iyon. Napataas ang dalawang kily ni Robin nang makita kung sino ang kumatok.
“Xandro... Alejandro...”
Tumayo siya sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa mga kapatid ni Alex.
“We heard that you are going back to the verthron castle today. Hindi na namin pinalampas ang pagkakataon. Baka hindi kami makadalaw sa ‘yo sa verthron nang madalas.” Sabi ni Alejandro.
Nang makita niya ang dalawang magkapatid ay namuo ang luha sa kaniyang mga mata. Naalala niya ang pagmamalasakit ng mga ito noong nasa mundo sila ng mga tao. Sa tuwing nasa lost world si Alex ay si Xandro at Alejandro ang nagbabantay sa kaniya.
“T-Thank you, Alejandro,” sabi niya at niyakpa ang pinakabatang kapatid ni Alex. Napansin naman ni Robin ang pagtingin ni Xandro kay Sayah na malapit sa pinto at nakatingin lamang sa kanila.
Nilapitan ni Robin si Xandro at niyakap. Bumulong siya sa lalake.
“Don’t look at her like that, Xandro, you are so obvious,” sabi niya.
She saw Alexandro smirked nang maghiwalay sila ng yakap. Alam niya sa mga tingin ni Xandro na nais nitong lapitan si Sayah at kausapin ngunit pinipigilan nito ang sarili dahil hindi naman ito nakikilala ng dalaga.
“Sayah?” tawag niya rito.
“Ano iyon, Robin?”
“Maaari mo ba muna kaming iwan? Mag pag-uusapan lang kami nila Alejandro at Xandro,” sabi niya.
“Sige,” sagot ni Sayah bago ito tumalikod.
Ngunit hindi nakalampas sa mga mata ni Robin ang saglit na pagtingin ni Sayah kay Xandro. Nang makalabas ng silid si Sayah ay hinila ni Robin ang kamay ni Xandro at pinaupo ito sa upuan na katapat ng kaniyang kama. Si Alejandro naman ay naupo sa sofa sa loob ng silid na iyon.
“Why are you not doing anything para maalala ka niya?” tanong ni Robin kay Xandro.
Napatingin si Robin kay Alejandro nang marinig niya ang pagbuntong hininga nito.
“Iyon nga din ang sinasabi ko diyan kay Xandro pero ang gusto ay kusa siyang maalala ni Sayah. This is the second time that she forget about him and that’s not normal. Sinabi ko na rin ito kay dad at maski siya ay nagulat. Hindi ko alam dito kay Xandro kung bakit hindi manlang kinakabahan,” sabi ni Alejandro.
Humalukipkip si Robin sa harap ng lalake, “Do you really love her?” seryoso niyang tanong.
“Of course! Ano ba naman tanong iyan, just because I let her like that doesn’t mean the I don’t love her. Marami na rin akong pinagdaanan kasama si Sayah. Alam ko naman na maaalala niya rin ako.” Sabi ni Xandro.
Napakunot ang noo ni Robin nang mapansin niya na lumalayo ang tingin ni Xandro sa kaniya.
“May iba atang dahilan kung bakit hindi ka gumagawa ng paraan, Xandro? Mukhang may nangyari?” tanong niya.
Hindi na nakasagot sa kaniyang tanong si Xandro nang muli ay may kumatok sa kaniyang silid. Ilang segundo pa ay muling pumasok si Sayah at yumuko ito sa kanila. Napansin kaagad ni Robin ang pagtingin ni Xandro dito kaya’t siniko niya ang lalake.
“Stop looking at her like you wanted to kiss her, you are so obvious,” bulong niya sa lalake pagkatapos ay tumingin siya kay Sayah.
“Ano iyon, Sayah?” tanong niya.
“Narito na ang sundo galing sa verthron castle, Robin, narito na rin si Nathalia at hinihintay ang pagbaba mo.” Sabi ni Sayah.
Handa namana siya, sa totoo lang ay kanina pa.
“Mahal na prinsesa! Mahal na prinsesa! Aalis na tayo! Aalis na tayo!”
Biglang sumulpot ang tatlong diwata kasama si Callia. Nakangiti ang mga ito sa kaniya habang nakahawak ang mga ito sa manggas ng suot niya.
“Oo, sandali lang,” sabi niya sa mga ito at tumingin kay Alejandro.
“Alam ko na hindi na makakarating pa si Tita Meredith at abala naman si Tito Aleister kaya’t kayo na lamang ang narito pero—
“Robin!”
Napangiti si Robin nang makita si Khia at kasama nito si Marcus at si Johnny. Naglakad palapit sa kaniya si Khia at niyakap siya nito ng mahigpit. Parang ayaw siya nito na pakawalan. Narinig rin niya ang pagsinghot nito na dahilan na umiiyak ito.
“Khia... you are making it hard for me to go if you are being like this,” sabi niya sa kaibigan at hinimas niya ang likod nito.
Oo, napakasakit, pero kailangan niya nang umusad. Hindi dapat mahinto dito sa vampire’s haven ang buhay niya. May hinaharap na naghihintay sa kaniya. Kailangan siya ng kaniyang kapatid at ng buong nasasakupan ng verthron. Kailangan na niyang bumalik at gampanan ang tungkulin niya bilang prinsesa ng verthron.
Tama na ang paghihintay kay Alex. Tama na... wala na siyang aasahan pa sa kanilang dalawa.
“Mag-iingat ka palagi, ha? Susubukan namin na makadalaw sa ‘yo doon,” sabi ni Khia nang humiwalay ito sa kaniya ng yakap.
Tumango naman siya sa sinabi nito at pinunasan niya ang mga luha na kumawala sa mga mata nito. Inakay niya si Khia palabas ng kaniyang silid sa vampire’s haven at tinungo na nila ang sala. Nakita ni Robin si Maxis na kausap si Nathalia. Nagulat pa siya nang makita si Prinsipe Nathan na naroon rin.
“Akala ko kay si Nathalia lamang ang pupunta? Hindi ko inaasahan na pati si Prinsipe Nathan ay narito rin,” sabi niya.
Naglakad palapit sa kaniya si Nathalia ay hinawakan siya nito sa mukha.
“Kamusta ang pakiramdamo mo, anak?” tanong nito.
Simula nang mawala ang bata sa sinapupunan niya at nang malaman iyon ni Nathalia ay ito ang nagasikaso sa kaniya. Simula din non ay tinawag na siya nitong anak.
“Mabuti-buti, aalis na ba tayo?” tanong niya.
“Kung nais mo na ay maaari na tayong umalis. Nakahanda na rin naman ang mga gamit mo, desisyon mo na lang ang kailangan,” sabi ni Nathalia.
Huminga si Robin ng malalim, inilibot niya ang paningin sa mansion ng Goodnight kung saan siya tumuloy nang malaglag ang kaniyang anak. Hinintay niya si Alex. Hindi na niya lolokohin pa ang sarili pero hanggang ngayon ay hinihintay niya ito.
Napakasakit naman. Bakit? Bakit kahit na siya ang dahilan ng pagkawala ng anak namin ay hanggang ngayon ganito pa rin ang nararamdaman ko? Kailangan kong magalit. Kailangan mawala siya sa isip ko.
“Xandro,” tawag niya sa kapatid ni Alex.
Humarap sa kaniya si Xandro at naglakad palapit.
“Si Alex?” tanong niya.
“Robin.”
Napatingin si Robin kay Khia nang tawagin nito ang pangalan niya. Ngunit siya kay Khia at naramdaman niya ang panginginig ng kaniyang mga labi nang umawang ang bibig niya.
“Is it too much to hope? Before I leave?”
Nakita niya ang awa sa mukha ni Khia at hindi lamang dito. Nang tingnan niya ang mukha ng mga nilalang na naroon ay nakita niya ang lungkot sa mga mata ng mga ito.
“D-Don’t worry, iiwan ko na rin ang nararamdama ko kay Alex sa lugar na ito. T-This is the end for us, right? H-huli na ito, hindi ba puwedeng umasa?” tanong niya.
“He’s not here in vampire’s haven, he’s—
“Xandro,” pagbabawal ni Khia kay Xandro.
“Khia, please? Let him talk,” pakiusap ni Robin.
Nakita ni Robin na mariin na napapikit si Khia.
“Alex is not here, Robin, he’s with Hermiliah they are in her mansion in pavlis for their...” huminga ng malalim si Xandro bago ito muling nagsalita,” for their honeymoon.”
Napalabi si Robin. Nalaglag ang mga luha na kanina niya pa pinipigilan na tumulo. Tumango-tango siya at pagkatapos ay naglakad palapit kay Nathalia ngunit bigla siyang nakaramdam ng hilo kaya’t natumba siya. Kaagad naman siyang nasalo ni Nathan dahil ito ang pinakamalapit sa kaniya.
“Robin!”
“Mahal na prinsesa!”
Akala niya ay ayos na sa kaniya. Akala niya matatanggap na niya ang kahit anong maririnig kay Alex at kay Hermiliah pero hindi pa pala niya kaya.
“L-Let’s go... home.” Sabi ni Robin kay Nathan.
“U-Umuwi na tayo, please? N-Nathalia, let’s go.” Sabi niya at lumingon siya kay Nathalia.
Naririnig ni Robin ang paghikbi ni Khia. Nang dahan-dahan siyang tumayo ay sa huling beses tiningnan niya ang mga kapatid ni Alex pati na si Khia, Marcus at si Johnny.
“Maraming maraming salamat sa inyo. You never left me, habang nabubuhay ako tatanawin kong utang na loob ang lahat ng nagawa ninyo para sa akin,” sabi niya sa mga ito.
“Sayah,” tawag ni Robin kay Sayah at tumalikod na ito upang pumunta sa karwahe.
Iyon na ang huling beses na tatapak siya sa vampire’s haven. Iyon na rin ang huling beses na iiyak siya para kay Alex.