Pagkatapos ng lahat ng nalaman ko, parang ayoko ng makita si Alyssa. Paano ko siya haharapin ngayon? Pagkapos kong malaman na si ate pala ang dahilan ng pagkawala ni Mishly.. Magagalit kaya siya sa akin? Paano ako lalaban sa isang laban na sa simula pa lang, talo na ako. At ang masakit pa dun, patay na ang kalaban ko.. Natulog na agad ako. Sana matapos na yung araw na ito. Sana hindi na lang totoo yung mga nalaman ko. Sana bangungot lang ang lahat ng to.. Kinabukasan.. "Fille, maligo ka na. Aalis na tayo.." "Ha? Nagmamadali ka ata? Ang aga aga pa eh."fille "Basta gumayak ka na. Tapos gisingin mo na sina Dzi. Aalis na tayo.. " "PMS? Tss. Oo na." Sasabihin ko ba kina fille yung nalaman ko? Baka magalit siya kay Alyssa. Ayoko naman na masira yung pagkakaibigan nila ng dahil sa akin.

