Ngayon, masasabi ko na talagang it's all worth it. Alam mo yun? Pagkandami dami man ng pagdaanan kong hirap at pasakit, sa huli, matatagpuan ko din pala yung kasiyahan ko At si Alyssa yun. Yung nangyaring pag aaminan namin sa bar ay nangyari two weeks ago and i must say, gumaganda lalo ang relationship namin. Sweet na siya sakin. Niloloko niya pa rin ako. Oh well, nasasanay na ako. Hindi siya si Alyssa kung hindi niya ako babarahin. Before i forgot, foundation day nga pala namin ngayon. Yey. Free kami maghapon "Sweetheart, iniisip mo na naman ako" "As if. Sawa na nga ako sa mukha mo eh" "Kailan pa naging nakakasawa ang gwapong mukha ko?" "Grabe, may binalita ba kagabi na may paparating na bagyo? Ang lakas ng hangin eh" "May bagyo nga daw. Bagyong Alyssa: Ang pinaka gwapong bagyo" "

