Umaga na naman, papasok na naman ako sa school ko. Kahit medyo masakit pa ang katawan ko dahil sa mga kalmot ni Bang , kailangan kong pumasok. Nag cutting class na nga ako kahapon, di ko ma afford na umabsent pa ngayon. Pumasok na nga ako papuntang school. Isang hindi magandang eksena ang inabutan ko. Napatakbo na lang ako papunta dun. "Ano? Kanina pa kita tinatanong. Ano bang dahilan mo?" "Alyssa, anong nangyayari dito?" "Tinatanong ko lang naman 'tong babaeng 'to kung anong dahilan niya kung bakit ka niya sinaktan kahapon."Humarap ulit siya kay bang "Ano ba? Bakit ayaw mong sumagot? Ang lakas lakas ng loob mong saktan si Den tapos ayaw mong sagutin yung tanong ko!" "Alysaa, tama na. Tapos na eh. Kalimutan na natin 'yun" "Anong kalimutan? Tignan mo nga yang itsura mo. Puro galos iy

