Sarap na sarap si Laarni habang kumakain ng mangga na may bagoong. Hindi talaga siya nagsasawa na kainin to kahit mag-isang linggo na matapos siyang magpabili nito sa kaibigan niya. Nagrereklamo na nga si Kyre dahil nangangamoy bagoong ang buong condo nila. Oo, nakalabas na sila ng ospital at kasalukuyang nagpapahinga sa condo na sila. Ang pinagtataka rin ni Laarni ay kung bakit nasa condo pa rin ang asawa kahit na alam niyang trabaho ito at may Vivoree pa. Mag-isang linggo na rin na di niya pinapansin ang asawa. “Sweetie, hindi ka pa ba nagsasawa sa bagoong na yan? Noong isang linggo ka pa kumakain niyan. Pwede bang iba naman?” suggestion ni Kyre. “Hmmmm,” sabi ni Laarni. “Gusto kong sampaloc yong hindi masyadong hilaw, hindi rin hinog. Gawin mong juice yon. Parang masarap inumin

