"Mag grocery ka, okay?" paalala ni Scarlett.
Tumango ako. "Opo…"
Inayos niya ang seatbelt ni Ellie. Nagkatinginan kami bago siya bumaba ng sasakyan. Lumapit siya ng kaunti sa akin para bigyan ako ng isang matamis na halik.
"I love you…" ngiti ko nang maghiwalay ang aming mga labi.
"I love you too…" hinalikan niya sa pisngi si Ellie. "I love you baby! Huwag mong masyadong papagurin ang Papa mo."
Tumawa lang si Ellie sa sinabi ni Scarlett.
"Ikaw rin, h'wag kang magpapagod…" paalala ko sa kanya. "Sa 'kin ka lang pwedeng mapagod."
"Ikaw talaga! Oh sige na… baba na 'ko," mabilis na halik ulit ang iginawad niya sa akin bago bumaba ng sasakyan. Hindi ko tinanggal ang tingin sa kanya hanggang sa makapasok na siya sa kanyang trabaho.
"Ganda talaga," bulong ko.
Inayos ko ang rearview mirror at pinagmasdan si Ellie na nilalaro ang kanyang mga kamay.
Kumain muna kami ng anak ko sa isang fastfood chain bago mag grocery. Dapat ay sa Linggo pa kami mamimili para kasama si Scarlett. Kaso ay wala na kaming stocks sa bahay. Wala na ring gatas si Ellie.
"Timothy?"
Natigilan ako sa pagkain nang may magsalita. Nag angat ako ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino.
"Cassandra?" kumunot ang noo ko.
"Timothy, ikaw nga!" napangiti siya. Umupo siya sa aking tabi. Lumipat ang tingin niya sa high chair kung saan naka upo si Ellie. "Anak mo?"
"Oo," tango ko.
"Oh…" magkatinginan ulit kami. "Si… Scarlett ang ina?"
"Oo. Si Scarlett ang ina niya."
Napangiti si Cassandra sa sinabi ko. "Kayo rin pala ang nagkatuluyan."
"Mahal ko, eh. Mabuti nga at ako ang pinakasalan niya."
"Good for you," ngiti pa rin ni Cassandra. "Ang tagal nating hindi nagkita, ah? Noong graduation pa ata 'yung huli."
"Well…" nagkibit balikat ako. "Ikaw, kumusta? Anong balita sa 'yo?"
"I'm married. Anim na taon na. Dalawa na rin ang anak ko," lumipat ang tingin niya sa counter. "Ayun sila…" turo niya sa lalaking nasa pinaka huling pila. May karga siyang batang babae na sa tingin ko ay ka-edad lang ni Ellie. At may hawak siyang batang lalaki na mukhang nasa apat na taon na.
"Wow!" sambit ko. "Ang laki na ng panganay mo, ah?"
"Yeah," muli kaming nagkatinginan. "Kakauwi nga lang namin. Sa Singapore na kami nakatira."
Tumango ako. Kinuha ko si Ellie. Nilagay ko siya sa aking kandungan at pinunsan ang kanyang bibig.
"Ba't di mo nga pala kasama si Scarlett?"
"Nasa trabaho."
"Ikaw?"
"Tumigil na muna ako, eh. Wala kasing magbabantay sa anak namin."
"Oh…" tumango siya pero mukhang nagulat naman sa sinabi ko. "Ayos lang sa 'yo, yun? Uhmm… I thought you were planning to pursue Medicine, too."
"Wala, eh…" nagkibit balikat ako. "Mas importante ang pamilya ko. Siguro kapag lumaki na ang anak namin, doon na lang ulit ako magta-trabaho o baka mag Medisina. Bahala na…" tumawa ako.
Natigil kami sa pagkukwentuhan ni Cassandra nang lumapit na sa amin ang kanyang asawa kasama ang kanilang mga anak.
"Hon," ani Cassandra. "Si Timothy nga pala, kaklase ko noong College."
Nilahad ko ang aking kamay.
"JC…" tinanggap niya ang aking kamay.
"Sige, Timothy… mauna na kami, ah?" paalam ni Cassandra. "Nag take out lang kami."
"Sige. Ingat."
"Good to see you again! Bye…" tumango ako at ngumiti sa mag asawa.
Ang bilis nga naman talagang lumipas ng panahon. Who would've thought that we'll meet again? Well… I'm happy for her. Matagal na panahon na rin naman ang mga nangyari noon.
Pagkatapos kumain ay tumulak na rin kami ni Ellie patungo sa grocery store. Tawa siya ng tawa habang nakasakay sa cart. Pilit niyang inaabot ang mga items na nadadaanan namin.
"Gusto mo ‘to?" tanong ko sa kanya. Hinarap ko sa kanya ang mga candy. Tumango siya. Napangiti ako at nilagay na sa cart ang mga iyon.
Nag ikot-ikot pa kami sa grocery store para maghanap ng mga kailangan namin. Sinubukan kong tawagin si Scarlett para tanungin kung may gusto ba siyang ipabili, kaso ay hindi naman niya sinasagot ang tawag ko. Siguro'y abala siya sa kanyang trabaho. Hindi ko na lang iistorbohin.
Malapit na ang tanghalian nang makauwi kami ni Ellie. Mabuti na lang ay nadalhan ko siya ng gatas dahil umiiyak siya kaninang nasa byahe kami. Pagdating namin sa bahay ay tulog na siya. Inayos ko muna ang higaan niya sa sala bago ayusin ang mga pinamili ko.
Kahit na nagugutom ako, pinili ko pa ring bantayan ang anak ko. Nanunuod ako ng pang tanghaling programa ngunit pumipikit mga mata ko. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Napangiti ako nang maalala ang mga ginawa namin ng asawa ko.
Sht... sana ay umuwi na siya kaagad. Gusto ko na siyang mahalikan ulit.
Nahuhulog na ang mga mata ko dahil sa antok nang bigla na lang tumunog ang aming doorbell. Tumungo kaagad ako sa gate para alamin kung sino ang bisita. Wala naman akong inaasahan ngayong araw.
Pagbukas ko sa gate ay bumungad sa akin ang apo ni Lola Rosa. Nakangiti siya habang may dalang plastic container.
"Hi!" bati niya. "I'm Monica, remember? 'Yung apo ni Lola Rosa."
"Yes…" tumango ako. "Naaalala kita."
"Uh, ano… may dala akong ulam," itinaas niya ang kanyang dala. "Nagluto kasi ng kare-kare si Lola. Sabi niya'y bigyan ka raw namin. Kaya ano… ako na ang naghatid."
"Oh," niluwagan ko ang bukas ng gate. "Halika, pasok ka muna."
Nagliwanag naman agad ang mukha niya dahil sa sinabi ko.
Naka sunod sa akin si Monica. Pagpasok namin sa loob ng bahay, tumiwid agad ang mga mata niya sa wedding portrait namin ni Scarlett. Ito kasi ang agad na bumubungad sa mga bisita dahil nakaharap ito sa front door.
"Tara, doon tayo sa dining…" anyaya ko kay Monica.
Tumango naman siya at sumunod ulit sa akin. Kumuha ako ng mga lalagyan. Nilapag naman ni Monica sa lamesa ang dala niya.
"Uh… upo ka muna," alok ko.
Tipid siyang ngumiti pagkatapos ay umupo. "Masarap 'yan," aniya. "Masarap magluto si Lola."
"Tamang tama," tawa ko. "Hindi pa ako nakapag luto ng tanghalian. Gutom na ako."
Kumuha ako ng dalawang plato sabay lapag sa mesa. "Kumain ka na ba? Sabay na tayo."
"Ahh, hmm…" tila hindi niya alam ang isasagot. "Kumain na ako sa bahay. Ikaw na lang sige."
"Oh, okay…"
Nilagyan ko ng kanin ang aking plato. Kinuha ko ang dala ni Monica at agad na tinikman ang kare-kare.
"Hmm.. masarap!" komento ko.
Pinagmasdan ako ni Monica habang kumakain ako. I felt uncomfortable with her stare. Pakiramdam ko ay naiinip na siya. "Oo nga pala," sambit ko. "Pakisabi sa Lola mo, salamat. Tsaka pakisabi na rin sa kanya na bibisita kami sa inyo ng asawa ko sa day off niya."
"Sige," ngumiti si Monica. "Ang laki ng bahay niyo…" puna niya. "Hindi ka ba naiinip dito?"
"Hindi naman. Kasama ko naman ang anak ko."
"Kung sabagay," ngumiti ulit siya. "Ang sabi ni Lola ay Nurse ka 'raw."
"Oo."
"Nursing rin ang kusro ko, eh. Medyo mahirap, ano? Nakakapagod ang mga duty."
"Nakakapagod talaga," sang ayon ko. Naalala ko na naman ang mga ganung panahon noong nag-aaral pa ako. "Pero ayos lang 'yan. Graduating ka na, di ba? Konting tiis na lang."
Nagpatuloy pa kami sa pagkukwentuhan ni Monica. Natigilan lang kami nang marinig ko ang iyak ni Ellie sa sala. Napatakbo agad ako patungo doon.
"Pa… pa…" iyak niya. Binuhat ko agad siya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Hinaplos ko ang kanyang likod habang kinakantahan. Hinalikan ko ang gilid ng kanyang ulo.
Ilang sandali pa ay tumahan na siya sa pag iyak. Banayad na rin ang kanyang paghinga. Mukhang nakatulog na ulit.
"Marunong kang mag-alaga, ah?" puna ni Monica. Tumabi siya sa akin.
"Nasanay na lang ako."
"Alam mo, bihira lang 'yung mga ganyang lalaki. Kadalasan kasi ay mas gusto nila na sila ang ang nagta-trabaho."
"Hmm," dahan dahan kong binaba si Ellie sa kanyang higaan. "Mas gusto kasi ng asawa ko na siya ang magtrabaho. Pero siguro… kapag malaki na ang anak namin, babalik na rin ulit ako sa pagta-trabaho."
"Ayaw bang tumigil ng asawa mo?"
"Mahal niya ang kanyang trabaho. Ayoko naman siyang pigilan sa mga gusto niya."
Tumango siya at ngumiti. Tiningnan niya ang kanyang relo. "Uh, mauna na pala ako…" paalam niya. Tumingin ulit siya sa akin. "May duty pa ako."
"Sige," tango ko. "Pakisabi ulit sa Lola mo, salamat."
Pag alis ni Monica ay niligpit ko na ang mga pinagkainan ko. Nilagay ko na rin muna sa ref ang natirang ulam. Sigurado ako na matutuwa sa Scarlett kapag nalaman niyang may bago kaming magiging kaibigan dito sa lugar namin.
Alas singko nang makatanggap ako ng text kay Scarlett. Ang sabi niya ay huwag na raw namin siyang sunduin dahil may meeting pa sila. Makikisabay na lang daw siya sa isa sa mga kasamahan niya. Kaya naman nagluto na lang ako ng aming hapunan. Sigurado akong gutom na 'yun pag uwi niya.
I think… she needs a massage, too. Napangiti na naman ako sa aking naisip.
Alas syete nang may makita akong umilaw sa daan. Siguro ay si Scarlett na ito. Tapos na ako sa lahat ng gawain. Napakain ko na rin si Ellie kanina. Binuhat ko ang anak namin para silipin ang kanyang ina sa labas. Halos manliit ang mga mata ko nang makita kung sino ang naghatid sa kanya.
Lucas, huh?
Talagang pinagbuksan pa niya ng pintuan ang asawa ko. Napailing agad ako. Pinigilan ang namunuong selos sa puso ko.
"Mama…" turo ni Ellie nang makita niyang pumasok si Scarlett sa gate.
Pinilit kong ngumiti. Nakangiti rin naman si Scarlett habang papalapit sa amin. Kinuha niya agad si Ellie sa akin at binigyan ng halik sa pisngi.
"Hmm! Ang bango ng anak ko!" hinalikan niya ulit sa pisngi si Ellie.
"Si Lucas pala ang naghatid sa 'yo?" hindi ko na maiwasan pang hindi itanong iyon.
Tumingin siya sa akin. "Uh, oo. May dadaanan daw kasi siya malapit dito kaya nakisabay na ako. Tsaka… para hindi ka na rin mapagod na sunduin pa ako."
"Ayos lang naman," sabi ko. "'Yun naman ang ginagawa ko madalas, di ba? Kung alam ko lang na siya ang maghahatid sa 'yo…" nag iwas ako ng tingin at bumuntong hininga. "Pumasok na tayo para maka kain na."
Hindi ako umiimik habang naghahapunan kami. Damn it, I shouldn't be jealous, but fck… iba talaga ang pakiramdam ko sa lalaking iyon. Gusto kong bawalan si Scarlett na huwag na siyang lapitan, ngunit pag ginawa ko 'yun, iisipin niya na hindi ako nagtitiwala sa kanya.
Kahit na sa oras ng pagtulog namin ay hindi pa rin ako masyadong umiimik. Nagawa ng patulugin ni Scarlett si Ellie. Tumalikod ako sa paghiga. Huminga ako ng malalim nang patayin na niya ang ilaw. Naramdaman ko ang paghiga ni Scarlett sa aking tabi. Nanatiling nakabukas ang aking mga mata. Ang aming paghinga lang ang naririnig ko.
"Kanina mo pa ako hindi kinakausap," mahina niyang sambit.
Hindi ako nagsalita.
"Sa susunod, sasabihin ko na sa 'yo…" nikayap niya ako mula sa likuran. Ang mainit niyang haplos ay tinutunaw ang tampo sa aking puso. "Huwag ka nang magselos…" she kissed my back.
Umikot na ako para harapin siya. Hindi ko talaga siya matiis. Hindi ko kayang magtampo ng sobrang tagal sa kanya.
"I… I'm sorry," I caressed her cheek. Kahit na medyo madilim, nakikita ko pa rin ang pagkislap ng kanyang mga mata. "Nararamdaman ko kasing may gusto sa 'yo ang lalaking yun. Nababasa ko ang mga text niya sa 'yo. Alam naman niyang may asawa ka na… pagkatapos ay magpapadala pa siya ng mga ganun. Mag-asawa na tayo, Scarlett… may anak na tayo. Ayoko lang na may lalaki pa ring umaaligid sa 'yo."
Dumampi ang mainit na hininga niya sa aking mukha. Hinaplos rin niya ang aking pisngi. "Iiwas na ako sa kanya, okay? I understand why you're jealous. Ako rin… ganoon ang mararamdaman kapag nakita kong may babaeng umaaligid sa 'yo."
Hinalikan ko siya sa noo. "Mahal na mahal kita, Scarlett…" niyakap ko agad siya. Sumubsob siya sa aking dibdib. "I want to be honest, too…" hinalikan ko ang kanyang buhok. "Kaninang umaga, bago kami pumunta sa grocery store, nakita ko si Cassandra."
"What?!" bahagyang tumaas ang boses niya. Bumitiw siya sa yakap.
"Oh, bago ka magreact d’yan… pakinggan mo muna ako," niyakap ko ang kanyang baywang. Nagdikit ang aming mga katawan. "May asawa na siya at dalawang anak. Sa Singapore na rin sila nakatira."
Mukhang hindi pa rin siya kumbinsido sa mga sinasabi ko.
"Matagal na 'yun, Scarlett, 'di ba? Pinagsisisihan ko na ang mga pagkakamali ko sa'yo noon," hinalikan ko ang labi niya. "Alam rin niya na mag asawa na tayo. At nakita niya si Ellie. So… no need to be jealous, okay? Kayo lang ni Ellie ang nakikita ng mga mata ko."
"Hmm, siguraduhin mo lang 'yan Timothy Serrano. Kung hindi… alam mo na ang mangyayari sa 'yo," banta niya.
Natawa ako sa kanyang sinabi.
"Oo nga pala," sabi ko ulit. "Alam mo 'yung bahay d’yan sa may ibaba?"
"Oo. Bakit?"
"Nakita kasi nila kami ni Ellie noong nakaraang araw. Matandang mag-asawa 'yung nakatira… kasama ang apo nila. Iniimbitahan nila tayong maghapunan doon. Uhm, punta tayo sa day off mo?"
"Sige, sige…" napalitan ng saya ang kanyang boses. "Pupunta tayo."