"I'm so stupid..." hikbi ko. Humigpit ang yakap ni Macy sa akin. Hindi ko maigalaw ang aking katawan dahil sa panghihina. Gusto ko pa sanang habulin si Timothy ngunit papaano ko iyon gagawin kung ganito ako? "Ginawa ko lang naman 'yun para sa kanya." Muli na namang bumalik sa aking alaala ang lahat ng ginawa ko. Kung paano ko tinulak si Timothy para lang mabuo ulit siya. Yes, now he's fine. Nangyari na ang gusto kong mangyari. Pero bakit ganito naman ang nararamdaman ko ngayon? May kulang pa rin. Decisions were meant to make you happy, right? Pero bakit ganito? Nagbago nga si Timothy ngunit hindi naman talaga ako masaya. Maybe because I chose the wrong choice. Pinili ko iyong nakasira sa aming dalawa. Pinili ko 'yung gusto ko lang mangyari. Hindi ko pinili ang gustong mangyari ni Timot

