CHAPTER 12 - Library

1071 Words
Meisha Pov Bakit ako ang tatawagan pag nagkaproblema sa machines kuya?" tanong ko kay kuya pagkatapos niyang tawagan ang tauhan niya sa Ricemill narinig ko kasi ang name ko nang magbilin siya. "The last time I checked, hindi naman ako nakaassigned don. May tao tayo para dyan at may maintenance naman to always check the the status of our machines, there" "I know mas maganda na hands on at aware tayo sa mga nangyayari sa businesses natin. At Alam na alam mo yan." paliwanag nito sabagay tama naman siya mas maganda talagang natututukan ng may-ari ang business para nalalaman nito ang lahat ng nangyayari sa kumpanyang mina-manage. Para maagapan ang mga problema hangga't maaga. "Alam ko namang sisiw lang sayo ang mga ganoong bagay Bunso." hinimas himas pa nito ang ulo ko na iknaangil ko dahil sa nagulo kong buhok. Napatanga ako kay kuya, may bago akong napansin sa kanya na hindi niya binibigyan ng halaga dati. "Ano? Para kang nakakita ng multo dyan." natatawang sabi nito na parang may ideya na sa pagkamangha ko. "Kuya, napansin ko lang kasi ang ganda ng pormahan natin ngayon. Dati rati wala kang pakialam kung badoy kang manamit, ngayon nagmumukha kang tao, halatang binigyan mo ng effort ang getbup mo. Saan ba ang lakad natin ngayon, ang aga pa naman para mangligaw." nangingiti paniyang wika na sinalat pa talaga ang noo ang leeg ko. "Ayos lang ba ang get up ko bunso, hindi ba ako mapapahiya nito?" "Nilalagnat ka ba." sinalat salat ko pa ang noo at leeg niya. "Naku naman kuya, ok na ok, hindi kana mapagkakamalang kargador ng RICEMILL, magtiwala ka nalang sa gandang lalaki mo. Saan ba kasi ang lakad? "Church with someone" "Church baka naman masunog ka don." mukhang gulat na gulat pa ako. "Tssss... wag ka ngang ganyan bunso." "Nagkabalikan na ba kayo ulit ni ate Jaycel?" tanong ko ulit. "Hell no. hindi naman naging kami non and you know that, kaya paanong may balikang mangyayari kong sa umpisa palang ay walang kami?." "Bunganga mo kuya, why did you shout on me at nagmura ka pa. Need mo na talagang magpunta ng Church para mabawasan man lang kahit kaunti ang mga kasalanan mo." ngiwi ko. "I'm sorry Bunso. Kaw naman kasi." "Ok sorry din, iba ang nasaga kong kwento halata namang ayaw mo sa kanya. Nakakaintriga lang sino kaya itong girl na kinalolokohan mo ngayon." " Don't worry Makikilala mo rin siya one of this days." "Sige sabi mo eh, you've changed a lot at magandang sign yan. Wish ko na maging masaya ka kuya, deserve mo yon." "Thanks Bunso, kaya lang ayaw pa paligaw. Kaya babakuran ko muna." "Pero bata pa naman tayo kaya wag masyadong magmadali." "Look who's talking" wika kong ikinatawa niya." "Syempre iba ang case ng sakin, kailangan ko bakuran, baka mapitas ng iba eh, masyado pa namang pakipot." "Anong mapitas baligtad naman kasi dapat ikaw ang binabakuran, hindi ikaw ang babakod " "Ay ganon ba yon? Utusan mo kasi kuya, na bakuran ako, at baka mapitas kamo ako ng iba kapag babagal bagal siya. O kaya baka mainip ako at kusang magpapitas sa iba, para magkaroon naman siya ng kaba." sarap ng ngiti nito "Ewan ko sayo puro ka kalokohan. Alis na ako at malate ako sa date ko este sa pagsamba. Ayos naman na ang suot ko diba? "Oo naman, kailan ka pa kasi nagkaroon ng pakialam sa isinusuot mo? Narealized mo na ba ngayon na badoy ang mga pormahan mo noon?" nakakainsulto ang mga tawa nito. "Pati ba naman ikaw, sinasabing badoy akong manamit noon, ano bang pinag kaiba noon at ngayon?" kuryusong tanong ko. "Aba malaki kuya alam mo ba kong bakit? Dati mukha kang tanders manamit, unang impression sayo ng makakakita ay matanda kana kaysa edad mo. Pero ngayon, nag transform ka na, congratulations kuya binata kana." tinapik Ko siya sa harap ng salamin. "Look, hindi na kita mukhang tatay pag magkatabi tau." natatawa kong sabi. "Meisha" angil ni kuya. "Oh, Bakit? Totoo naman. Sige kuya goodluck sa date mo, matutulog muna ako ulit, nakimarites lang naman talaga ako sayo, babush." nag flying kiss pa at nagmamadali na itong umakyat papuntang kwarto nito. Naiwan akong napaisip ako, marami na silang nagsasabi, ganon ba ako kabadoy manamit o pinagtitripan lang ako ng mga to? "Mabuti pa ngang matulog ka ulit, mukhang kulang ka pa sa pahinga eh. Magpagaling ka muna ng husto ng hindi pinapasok ng masamang hangin yang utak mo." "Nga pala paki katok mo nga yong Future Hubby mo narinig ko kasi umuung**. Baka binabangungot na dahil napanaginipan ka." "Kuya." angil ko naman. "Take note, katukin mo lang , huwag mong pasukin dahil baka kong ano pang gawin mo don. " "Ako pa talaga." "Syempre baka pikutin mo." "Hindi naman yata sobrang halata na concerned ka don, ano? Sino bang kapatid mo samin? Siya ba?" "Kaw naman nagtampo agad, sabihin nalang nating wala akong tiwala sa karakas mo pag tungkol kay Dwayne na ang pag-uusapan. Alam mo na masyado kang inlove baka mawala ka sa katinuan, bka gapangin mo pa." nag peace sign pa ito bago mabils na tumakbo pa komedor. "Tulog ka na ulit, Sweet dreams bunso" "Ingat, and good luck kuya." * * * * * * * * * * "Mom, Dad." lumapit ako kna mommy para magmano at humalik sa kanilang mga pisngi. Nakagawian na namin ito simula ng magkaisip kami. Ganoon din ang ginagawa ni Dwayne simula ng tumira siya dito amin. Narito kami ngayon sa library. Dito kami nagtitipon tipon kapag may mga mahahalagang pag-uusapan kaming mag-anak. Kompleto kami ngayon, of course present din si Dwayne dahil parte na din naman ito ng pamilya namin mula pa ng ipagkatiwala ito ng mga magulang nito sa pangangalaga ng mga mgulang ko. "Tok, tok, tok" kakaupo ko palang ng may kumatok sa pinto. Malamang si kuya Migs ang nasa likod ng nakapinid na pinto ng silid kung saan kami naroroon dahil siya nalang ang kulang. "Come in." may awtoridad na sabi ni Dad. Pumasok naman si kuya at ginawa ang routine sa tuwing dumarating tulad ng ginawa ko. "Manang Choling kompleto na ho ba ang meryenda?" malumanay tanong ni Mommy sa kasambay namin na naglalapag ng meryenda. "Opo, ma'am." "Good maari na po kayong lumabas Manang at please bawal kaming istorbohin kung hindi rin naman importante. Malinaw po ba? Yes po sir, ako na po ang bahalang magpaabot sa iba ko pong kasama." "Thank you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD