Walang pagsidlan ang kaligayahang nadarama ng puso ng isang inang matagal na nangulila sa anak na ngayo'y makikita at makakapiling na niya. Sa halos anim na taon na hindi niya nakita ang anak bagamat nag - a - update itong nasa maayos na kalagayan sa pamamagitan ng sss hindi iyon naging sapat kailanman, at kailaman ay hindi magiging sapat upang mapawi ang pangungulila sa nawalay na anak lalo pa't babae pa ito. "Really?" Bakas ang tuwa sa mukha ni Maurice ng malaman sa panganay nyang anak na si Migs na umuwi na ang kanilang bunso na kaytagal nilang hinintay. Maiibsan na ang bawat gabing hindi siya nakakatulog sa kaiisip sa kanyang unica hija kung nasa maayos ba itong kalagayan. Kung sino ba ang nasa tabi nito at nag - aalaga kapag nagkakasakit. Walang araw na hindi niya ito inaalala.

