CHAPTER 18 - Interrogation

1635 Words
SIX YEARS LATER "It's time to wake up; the time is five thirty." "It's time to wake up; the time is five thirty." "It's time to wake up; the time is five thirty." "Hmmmm." nagising ako sa sunod sunod na alarm ng digital clock na nasa bedside table ko. Its five thirty in the morning, na pala. Pupungas pungas akong tumayo at nag - inat. I'll do my daily routine pagkagising, hilamos, toothbrushing, and exercise. Mamaya nalang ako maliligo after breakfast dahil kailangan ko ng magluto ng almusal. Nagluto ako ng Java Rice sa rice cooker, habang nagpiprito naman ako ng ulam sa stove. Its good na may nakahanda ng mga ready to cook na ulam sa ref. Pero hindi ito yong mga typical na frozen foods, mga processed food products namin ito. Bukod kasi sa farm resort at vegetables and fruit production pinasok ko narin ang food processing business mula sa aming mga naaani sa farm gaya ng mga products gamit ang mushrooms, iba't ibang klase ng pickles, chips, at iba pa. Hindi pa ako tapos magluto ng ulam ng may kumakatok sa pinto, malamang ang best friend ko na to. Ang aga talaga nito pag pumupunta dito ang alam ko may duty to sa hospital nila eh, at 7 am pa ang out. Pero wala pang seven o'clock ng umaga nandito na. Pagbukas ko ng pinto hindi na ako nagulat ng siya nga ang napagbuksan ko, malamang nagbulakbol na naman ang babaitang to. "Good morning, bakla." Bati ng kadarating lang na si Fatima lagi talagang present tong best friend ko sa mga ganap ko sa buhay sa kalungkutan man o kasayahan at sobrang thankful talaga ako sa Lord. Ayon nga nakipagbeso - beso agad kami sa isa't isa. "Good morning din. Kumusta ang byahe." ganting bati ko habang inaayos ang dining table. "Swabe lang. Nakakapagod." ngiting sagot niya sakin. "Akala ko ba ba maaga tayo, bakit nakapantulog ka pa?" "Maaga pa naman ah, masyado ka lang talagang maaga. Nag - under time ka na naman, ano?" "Malamang, kumusta naman, pag hindi, anong oras pa ako makakarating dito?" "Ang sabihin mo, ginamit mo naman ang perks mo." "Naman, magamit man lang paminsan minsan ang pagiging anak ko ng may - ari." nag flip pa ito ng buhok. " Kahapon pa bga sana ako nandito, hindi naman pwedeng umabsent may bus accident kasing nangyari kagabi at kailangan ng maraming doctor kaya nag - under time nalang ako ngayon." "Sigurado ka bang hindi ka kabawasan don, naiintindihan ko kung hindi ka makakarating?" ganting tanong ko naman. "Perfect." Sabi ko pagkatapos tingnan ang niluto kong Java Rice. "Aminado naman akong magaling akong doctor." naiiling nalang ako sa sinabi niya na pigil ang matawa. Nagyayabang at bully lang naman to pag ako ang kasama pero nasobrahan sa bait nagpapaapi sa iba. "Pero no worries naman dahil wala namang malalang injuries ang mga pasyente na isinugod. Maliban sa driver na dead on arrival. Yong iba under observation, pero kaya na nila yon." at lumapit narin sa akin para makiusyuso sa niluluto ko. "Ang bango naman niyan. Buttery smell." saka tumingin sakin na nagtataka. "Anong tingin naman yan?" "Nagluluto ka palang?" "Anong masama kung nagluluto palang ako? Breakfast lang to at matatapos na akong magprepare. Natutulog pa nga ang mga inaanak mo. "Sinabi mo na ba sa kanila?" maya maya "On the go naman palagi ang dalawang yon." Maya maya pa ay narinig ko ang maliliit na yabag mula sa taas pababa ng hagdan papunta sa amin. Gising na ang mga precious gems ko. "Good morning po mommy." sabay kaming napalingon ng marinig namin ang mga bata at sabay na din naming binati. "Babies. Naghilamos at nag toothbrush na ba kayo." Tanong ko sa kanila, simula ng magkaisip sila ay ituro ko na sa kanila ang mga dapat gawin bago matulog at pagkagising. "Yes, po mommy." Magkapanabay pa nilang sagot. "Nagpray narin po kami mommy, we thank God for waking us up and for all the blessings that he gives to us every day." sabi ni Miyanna. "At nag wish din po kami sa kanya to give us dad para may mag help sayo to take care of me and Ate also to make our family complete." Dugtong naman ni Dianna. Napanganga ako nabigla halos hindi ko kayang gumalawa mula sa kinatatayuan ko sa sinabi ng mga anak ko. Nagkatinginan kaming dalawa ni Pat pat. Hindi ko napaghandaan ang ganito kaagang paghahanap nila ng daddy. Kaya tuloy hindi ko na namalayan ng kusa nalang tumulo ang mga luha sa pisngi ko na agad ko ding pinahid ng likod ng aking kamay. Sa murang nilang edad ay naisip na nila ang bagay na yon. Tinanguan ko nalang sila na may pilit na ngiti sa labi dahil kong pipilitin kong magsalita siguradong maiiyak lang ako at ayaw kong makita nila yon. "Naku, ang gaganda talaga ng mga girls ng tita ninang. Gigisingin ko palang dapat kayo e. Pero dahil gising na kayo mag - be - breakfast na tayo." Mabuti malang nandito si Pat pat para saluhin ako sa ganito hindi inaasahang sitwasyon. "Yup. Breakfast na tayo then, we were going to visit our farm like strawberry and grape na tinamin natin. "Is that for real, mommy?" sigaw ni Dianna. nanlalaki ng mata nila sa gulat at tuwa. Sunod sunod na tango naman ang isinagot ko sa tanong niyahabang tamatawa sa mga reaksyon nilang hindi malaman ang gagawin sa labis n tuwa. Gustong gusto kasi mga itong pumupunta talaga sa farm at magkutingting doon at asahan mo narin walang katapusang question and answer portion. Kahit naman tanaw lang ang farm mula sa bahay iba parin ang saya nila kapag samasali sa gawain dito. Sa murang edad nila giliw na giliw na talaga sila sa farming. "Narinig nyo po yon tita ninang, sama ka samin." "Sure." pagpapaunlak ni Pat pat "Yehey, I'm so excited." sigaw namn ni Miyanna na may kasama pang pagtalon talon at palakpak. Natutuwa narin ako sa simpleng kaligayahan nila. "Are we going to ride a horse?" magkasabay pa nilang tanong na tinanguan ko rin. "Sure, but just a little bit." "Wow, thank you, Mommy." ang sarap sa pakiramdam na niyayakap ng anak ng mahigpit kahit hindi mo naman hinihingi. "You're always welcome, babies ko." hinahalikan ko silang pareho sa pisngi. "Were not babies anymore; we were big girls, na po." sabi ni Miyanna na nakasimangot. "Yeh, but for mommy, you will always be my babies." "But we love to hear that you call us big girls." wika naman ni Dianna. "Sige na nga, pero minsan lang kasi mommy will always love to call you my babies. Is that okay?" "Hmmm, okay." may pag - aalinlangan pang sagot ng panganay ko. "Okay, kain na tayo para makapag asikaso na for our farm visit." "Ano po ulam, mommy?" "Mushroom Shanghai and scrambled eggs with tomatoes, at syempre may hotdog din." "Wow, ang sasaarap pala ng ulam natin." and they clapped their hands, ang babaw ang talaga ng kaligayan ng mga bata. "Mommy magbaon po tayo burger, ah." ungot ni Dianna. "Yes, yes, that's a bright idea. Hingi po tayo buko para gawa gawing buko juice mommy pang partner parang picnic." dugtong ni Miyanna. "Noted, po, my big girls." naghagikhikan naman ang dalawa sa paraan ng pagtawag ko sa kanila. Magana kaming nagkakainan lalo ang mga anak ko mas ganadon kumain. Bata palang sinanay ko na silang kumain ng mga healthy foods pero paminsan minsan pinatitkim ko rin naman sila ng mga gusto nilang kaining pambata like candies, ice cream at iba pa. "Mommy, do you have Daddy?" heto na naman po inumpisahan na ni Miyanna na magtanong saan naman kaya aabot ang tanungan ito? Kapag nag - umapisa pa namang magtanong halos wala ng katapusan sa kulit. "Opo, I have." sagot ko. "How does it feel if you have Daddy by your side, mommy?" Ito na nga ba ang sinasabi ko. Alam ko namang darating ang time na magtatanong sila about their father, but I don't think that they interrogate me about this at this early time. "Kinakarga ka rin po ba niya in his shoulders noong kasing laki ka palang namin, like we have seen other fathers do to their children when they visit here in the resort?" nagpapalitan na sila ng tuloy tuloy na pagtatanong. Hindi pa nga tapos sa pagtatanong ang isa may nakahanda ng tanong ang isa. "Where are your mommy and daddy,mom?" "Where's our daddy? Is he still abroad? Do you have a picture of him so we can see it?" ang alam kasi nila nasa abroad ang daddy nila dahil iyon ang sabi ko. "Yah, mommy, can we have his picture so we can give it to Tita Andy and so she can edit it to make us our family picture???" nagkatinginan kami ng bestfriend ko. Hindi ko talaga napaghandaan to. "Excuse me girls, washroom lang po si mommy, pagkatapos nio maligo na at magbihis." sabi ko kasi kailangan ko na talaga magwalk out bago pa nila makita akong sumabog. Pagkapasok na pagkapasok ko ng washroom doon ko pinakawalan ang impit kong pag - iyak pigil na pigil ko talagang may makalabas na boses sa mga bibig ko dahil baka marinig nilang umiiyak ako at magtaka pa sila. Sobrang sikip ng dibdib ko. Parang sinaksak ako ng paulit - ulit sa sunod sunod na tanong ng mga anak ko. Mabuti nalang nandon si Fatima para asikasuhin sila Kung baril lang ang mga bunganga nila na shoot to kill na ako. Para itong armalite at na tadtad na ako sobra sa tama ng bala. Kung pwede lang maglaho kanina ko pa hiniling na bumuka ang lupa kong saan ako naroon at lamunin ako nito ng buo. Dahil hindi ko talaga alam kung ano ang uunahin kong sagutin at kong ano ang isasagot ko sa kanila. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD