CRISELDA'S "Tulong! Maawa kayo tulungan niyo ako! Tulong! Tulungan niyo ako! Maawa kayo! Tulong! Tulungan niyo ako.” halos mapatid na ang aking ngala ngala kakahingi ng tulong kahit na alam kong walang makakarinig sa'kin sa lugar na 'to. Wala akong marinig, sobrang tahimik at hindi mo kakayanin. “Parang awa niyo na…” mahihinang bulong ko at napaluhod na lang sa pagod at sakit na nararamdaman. Nanginginig ang buo kong katawan, natatakot ako sa puwedeng mangyari sa'kin. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito, ni hindi ko nga alam kung saan 'tong lugar na ito. Ang tanging naaalala ko lang ay ang pag-akyat ko sa rooftop at ang pagtama ng matigas na bagay sa ulo ko. Sariwa pa rin sa'kin ang sakit dahil halos manginig ako sa dugong nahawakan ko mula sa aking ulo. May suspetsa ako kung si

