“I'm going out with my guy tonight. We're in the city of love, so we're going to have a great time together.” pare parehas naming nilingon si Meaghan na bigla bigla nalang nagsasalita sa likuran namin. Nandidito kami ngayon sa suite niya, inimbitahan niya kami upang mag exercise, at ngayong tapos na kaming mag unat unat ng mga buto namin, nagtungo na kami sa suite niya upang kumain. Dito na namin naisipan dahil sa suwestiyon ni Jasmine. May nakita raw kasi siyang hindi kaaya aya. “Sana all.” gulat kong nilingon si Freda. Umiinom ito ng tsaa habang iling iling na nakatingin kay Meaghan. “Be careful of your boyfriend, love.” tumawa si Meaghan saka siya tinanguhan. Tumingin sa akin si Freda, tila may gusto siyang sabihin nguni't may laman pa ang kaniyang bibig. “How about you?” sabi na ng

