CASSANDRA'S SOBRANG sama nang mga tingin ko sa kanila. Ang kuya ko ay nasa kaniyang kwarto at hindi lumalabas dahil kinukutya siya ng dalawang bruhang magkapatid na ito, si Demonyita at Demonyito. Hindi ko alam kung bakit ganon ang pinangalan sa kanila ngunit ngayong nasa sampung edad na ako ay alam ko na ang dahilan. Mga mukha kasi silang demonyo, ang kanilang Ina, ang step mom namin ni kuya ay kamukha ni Dracula. Nakakatakot 'to kung magalit dahil ikukulong niya kami sa kwarto kapag may ginawa kaming kasalanan, kapag ang mga anak naman niya ang may kasalanan imbis na pagsabihan ay mas kinukunsinti niya pa ang mga ito. Dalawang taon na ang nakalipas simula ng mamatay si Mom, namatay ito dahil sa kalokohan ni Dad. Inatake sa puso noong malaman niya na may babae ang Daddy. Nasa limang tao

